Skip to main content

Sanhi Sintomas at Lunas Sa ATHLETE'S FOOT ( ALIPUNGA)


Ang athlete's foot o alipunga ay sanhi ng fungal infection, isang uri ng sakit sa balat sa paa na dulot ng organismong Trichophyton. Maaaari mo itong makuha sa mga mabasa-basang paligid tulad ng palikuran o shower area. Kaya rin pinangalanan itong athlete's foot ay dahil na rin madalas na mga manlalaro ang siyang nagkakahawahan nito dahil iisang lugar lamang ang kanilang pinagliliguan. Tinea pedis naman ang tawag dito sa medical terminology.

SYMPTOMS OF ATHLETE'S FOOT


  1. Flaking o pagtutuklap ng balat
  2. Scaling o pangangaliskis
  3. Itching o pangangati sa apektadong bahagi ng balat
  4. Pagsusugat ng paa na minsan ay namumula at mahapdi
  5. Mabaho ang paa o medyas ng taong mayroong athlete's foot
Rekomendadong Lunas: 

Gumamit ng Titania Deodorant Athlete's foot soap, isang antibacterial soap na made in Germany na nakakapag-deodorize sa paa. Pinahihinto din nito ang bacteria sa paa na may athlete's foot na nagdudulot ng masansang na amoy. Ang isang botelya ng Titania Deodorant Athlete's Foot soap ay nagkakahalaga lamang ng 379.00 pesos. Mabibili ang athlete's foot soap na ito dito

PREVENTIVE MEASURES

Maging malinis sa katawan lalo na't alagaan ang iyong paa sa paghuhugas at pagsasabon. Ugaliin ang tamang paghuhugas ng kamay. Labhan ang tuwalya ng regular, pati na ang mga punda ng unan at sapin sa iyong kama. Upang maiwas din sa fungi sa paa ay ugaliin din ang pagpapalit ng medyas.

Kung hindi malunasan ng fungal cream o soap, ay mabuting kumonsulta sa dermatologist para matiyak kung ano bang uri ng sakit sa paa ang mayroon sa iyong balat. Maaari kang resetahan ng mas mataas na uri ng fungal cream o tableta na iyong iinumin kung magkagayon. 

Comments

Popular posts from this blog

Pamahiin Tungkol Sa Kasal (WEDDING SUPERSTITION)

Punumpuno ng mga superstitious beliefs ang mga pinoy tungkol sa kasal (wedding). Kahit na moderno ang panahon ngayon, marami pa rin ang naniniwala sa mga pamahiin wala man itong lohikal na paliwanag o syentipikong eksplanasyon. Nandun pa rin kasi sa atin 'yung pag-uugali na wala namang masama kung maniniwala kaya kahit ipagpilitan pa ng iyong lolo na ito ay coincident lamang, hindi pa rin ito mawala-wala. Magkagayunpaman, hindi mahalaga ang mga ito. Ang mahalaga ay punumpuno ng pagmamahalaan ang mag-asawa, nagtitiwala at may commitment sa isa't-isa at ang kanilang paniniwala sa basbas ng Diyos na sila ay pinagsama upang maging maligaya habambuhay. Anu't-anuman, narito ang ilang paniniwala na sinusunod magpahanggang ngayon at mga hindi na dahil ang iba ay wala na sa hulog. Hindi dapat na isinusukat ng bride ang kanyang wedding dress bago ang kasal dahil baka hindi ito matuloy.  Ang kutsilyo o iba pang mga matutulis na bagay ay hindi dapat na ipinanreregalo sa ikakas...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Seafood Allergy- Tips Kung Anong Dapat Gawin

Ang seafood allergy ay nararanasan ng isang tao kapag ito ay nakakain ng ilang klase ng isda o shellfish at dahil dito ay nagkaroon ito ng reaction sa kanilang immune system at nagdulot ng ilang sintomas ng allergic reaction (rash,hives,pangangati,pamamaga,pagsusuka,diarrhea,pananakit ng tiyan,hirap sa paghinga,pagbaba ng presyon at mawawalan ng malay) at ang seafood daw ay isa sa Top 8 na food allergen kumpara sa soy at milk allergies. Seafood Allergy -Tips On What to Do? Marami sa atin ang nagkaka-allergy sa seafood (shrimp,talaba,lobster,scallops,clams,crabs,squid) subalit, mas marami ang sa shrimp (hipon) at sinasabi na 40% ay may fish allergy (salmon,tuna) at 60% naman ay seafood allergy na nagsisimula sa adulthood. Ang pagkakaroon ng allergic reaction sa ilang muscle protein (tropomycin) na nasa seafood ay posibleng magdulot ng  "anaphylactic shock" kung saan ay biglang  baba ng blood pressure, namamanhid ang dibdib hanggang leeg, namamaga ang lalamunan at dah...