Paano ba malaman kung ang nunal (mole) ay cancerous o hindi?
Ang mga benign na nunal ay maliliit lamang at wala pang 5 milimetro. Kitang-kita ang hangganan o border nito. Iisa lamang ang kulay at pwedeng light brown. Kadalasan ay tulad din ito ng iba pang nunal sa katawan ( sa sukat at kulay). Mas mainam po kasi kung hindi ito magbabago ng kulay o laki sa paglipas ng maraming taon.
Ang mga suspicious o cancerous mole naman ay 'yung irregular ang border, hindi pantay at hindi malinaw ang hangganan na para bang ang kulay nito ay kumakalat sa katabing balat. Maaaring medyo nakaalsa ang isang bahagi ng nunal at flat ang kalahati. Ang pabago-bagong kulay ng nunal ay nakakaduda.
Normally, ang mga nunal natin sa katawan ay flat, maliit at kulay brown sa unang dekada ng ating buhay. Sa katagalan ang mga nunal na ito ay lumalaki at umaalsa. Lumalaki at umiitim ito sa sandaling pagbubuntis. Ang mga normal na nunal ay dapat na malinaw ang border, pantay ang magkabilang panig at magkatulad ang kulay at hugis.
Kung nagdududa ka sa iyong nunal na baka ito ay cancerous, maipapayo nating pumunta ka sa isang doktor, madali lang naman ipaalis ito at hindi masakit at kapag duda ang iyong doktor sa iyong nunal, ipapa-biopsy niya ito. source: Bulgar credits to Doc Shane Ludovice
Comments
Post a Comment