Ang labatiba o Enema ay maaaring mabili sa Bambang,Sta Cruz, kaliwa't kanan ang mga nagtitinda ng medical supply sa lugar na 'yun. Ang presyo ay depende sa klase ng bibilhin mong labatiba. Ang enema o labatiba ay isang aparato na ginagamit para panlinis ng bituka. Ang paglalabatiba ay isang procedure kung saan ay nagpapasok ng liquid o tubig at kung minsan ay may kasamang baking soda sa anus ( butas ng puwit) papuntang rectum (tumbong) at colon para malinisan ang bituka.
Ano ang medical usage ng labatiba?
- Kadalasang ito ay isinasagawa kung sasailalim sa surgery ang pasyente.
- Ginagamit din para sa constipation (du'n sa hindi makadumi o hirap dumumi) at fecal impaction.
- Sa pasyenteng buntis bago ito mag labor.
- Rehydration therapy (proctolysis) sa mga pasyenteng hindi puwede ang intravenous therapy o paglagay ng suwero.
- Cleanse the lower bowel bago isagawa ang sigmoidoscopy o colonoscopy.
- Topical administration ng gamot sa rectum tulad ng corticosteroids at mesalazine para sa gamutan ng inflammatory bowel disease.
Ang pagsagawa ng enema rito ay para maiwasan ang pagdaan ng gamot sa buong gastrointestinal tract kaya madaling mai-deliver ang gamot sa affected area at malimit din ang amount na ma-absorbed sa blood stream.
- General anesthetic agents kung magsasagawa ng surgery ay ina-administer sa pamamagitan ng enema, occasionally kasi ang anesthesia ay ipinapasok sa rectum para maiwasan ang pagsusuka sa panahon at pagkatapos ng surgical procedures para maiwasan ang aspiration ng stomach contents.
- Barium enema ay ginagamit bilang contrast substance para sa radiological imaging ng bowel. Ang enema ay naglalaman ng barium sulfate powder o water-soluble contrast agent.
- Rectal corticosteroid enemas ay isinasagawa para sa gamutan ng mild o moderate ulcerative cortis. Ginagamit din ito kasama ng systematic (oral or injection) corticosteroid o iba pang gamot para magamot ang isang grabeng sakit na kumalat na at maaari lamang gamutin sa pamamagitan ng pagpasok ng gamot sa rectum o tumbong.
- Ito rin ay ginagamit prior to anal s&x para raw ma-enhance ang sensation ng intercourse o kaya ay maalis ang feces o dumi bago pa mag-sex para mabawasan ang paglipat ng bacteria o infection sa kapartner at sa paggamit ng sex toys. Ang pag-enema para sa anal s&x ang purpose ay hindi dapat isinasagawa ng madalas o regular dahil ang enema solution ay maaaring makasama sa anal cavity.
Comments
Post a Comment