Skip to main content

Pre-Menstrual Syndrome- Tips Sa Pananakit Ng Puson


Ayon sa pag-aaral ay kinakailangan na matanto sa gene ng bawat babae na nakararanas ng pre-menstrual syndrome ang dahilan ng pagsumpong nito. Ito ang ilang tips ng mga eksperto para lunasan ang PMS.

Itaboy ang PMS mula sa pagkain kada dalawang oras. Ang pagpapanatiling steady ng blood sugar sa pamamagitan ng pagkonsumo ng kaunti at magagaang na pagkain kada dalawang oras, sa halip na pagkonsumo ng mabibigat na almusal, tanghalian at hapunan ay mahusay upang tuluyang maitaboy ang sintomas.

Ayon sa eksperto, ang pagpapanatiling steady ng blood sugar ng isang babae ay mainam na sandata upang maging normal ang gene ng katawan.
Kumonsumo ng Vitamin B6 para maitaboy ang iritasyon. Ang tinatawag na PMS gene ay nagbubunsod sa mood-elevating brain chemical serotonin. Gayunman, mainam ang pagkonsumo ng 100mg. Vitamin B6 sa araw araw, sapat na upang maiwasan ang tinatawag na genetic malfunction at makabuo ng produksyon ng seratonin na tinatayang nagpapabuti sa nararanasang iritasyon ng hanggang 78%. Para sa pinakamainam na resulta na resulta, mainam ang pagkonsumo ng B complex supplement sa halip na B6 na tinatayang mas epektibo.

Gayunman, mainam na ipasuri muna sa mga doktor ang anumang supplement bago man ito konsumuhin.

Magpaaraw. Ang paglalaan ng 30 minutong pagpapaaraw sa umaga sa unang sikat nito ay tinatayang nakapagtataboy ng tinatawag na PMS- triggered moodiness, iritasyon at tensyon ng hanggang sa kalahati makalipas ang isang buwan.

Ayon sa pag-aaral, ang sunlight therapy ay nakababawas sa sintomas ng fatigue, bloating at pananakit ng dibdib.

Ang sikat ng araw diumano ay nakapagpapabuti sa kondisyon ng utak, na nagbubunsod sa pagbabago ng hormones.

source: Bulgar credits to:No Problem ni Ms. Myra

Comments

Popular posts from this blog

Tips Para Malaman Kung Cancerous Ang Nunal (MOLE)

Paano ba malaman kung ang nunal (mole) ay cancerous o hindi? Ang mga benign na nunal ay maliliit lamang at wala pang 5 milimetro. Kitang-kita ang hangganan o border nito. Iisa lamang ang kulay at pwedeng light brown. Kadalasan ay tulad din ito ng iba pang nunal sa katawan ( sa sukat at kulay). Mas mainam po kasi kung hindi ito magbabago ng kulay o laki sa paglipas ng maraming taon. Ang mga suspicious o cancerous mole naman ay 'yung irregular ang border, hindi pantay at hindi malinaw ang hangganan na para bang ang kulay nito ay kumakalat sa katabing balat. Maaaring medyo nakaalsa ang isang bahagi ng nunal at flat ang kalahati. Ang pabago-bagong kulay ng nunal ay nakakaduda. Normally, ang mga nunal natin sa katawan ay flat, maliit at kulay brown sa unang dekada ng ating buhay. Sa katagalan ang mga nunal na ito ay lumalaki at umaalsa. Lumalaki at umiitim ito sa sandaling pagbubuntis. Ang mga normal na nunal ay dapat na malinaw ang border, pantay ang magkabilang panig at ma...

Iba Pang Kaalaman Tungkol Sa Genital Herpes

Ang artikulong mababasa sa baba ay mula sa pahayagang Bulgar sa kolum na Sabi ni Doc ni Shane Ludovice M.D. Ito ay tungkol sa nararanasan ng isang babae tungkol sa pagtutubig ng kanyang ari na tila pabalik-balik. Ano kaya ito? Sabi ni Doc, maaaring genital herpes ang nararanasan ng babae. Ito ay dala ng virus na Herpes Simplex. Maaari itong makuha sa pakikipagtalik sa pwerta, puwit, o oral s&x o pagdikit sa sugat ng taong impektado. Sa genital herpes, nakakakita ng mga butlig na may tubig na parang pasa o sugat sa dakong ari at ito ay makati, mahapdi o masakit. Paminsa-minsan ay nakararanas din ng masakit na pag-ihi o kaya ay nakararamdam ang pasyente na parang may trangkaso. Ang nasabing virus ay maaaring magpabalik-balik. Ngunit sa paglipas ng panahon, nababawasan at dumadalang na ang tindi ng atake nito hanggang tuluyan nang huminto ang atake ng herpes. May mga gamot na klasipikadong anti-herpes pero ang ginagawa lamang nito ay pabilisin ang proseso ng paggaling ng suga...

Gonorrhea: SANHI AT LUNAS SA TULO NG BABAE

ANG gonorrhea o tulo ang pinaka-common na venereal disease na nakukuha sa pakikipagtalik sa isang taong impektado nito. Neisseria gonorrhea ang organismong may dala at higit na tinitira ng organismong ito ang daanan ng ihi o urethra o kaya ay ang kuwelyo ng matris sa babae. Kahit babae ay nagkakaroon talaga ng tulo. Sa lalaking may tulo, kakikitaan ito ng sintomas tulad ng lumalabas na nana sa ari nito, hirap at masakit na pagihi, tatlo hanggang anim na oras matapos makipagtalik sa impektadong kapartner. Sa babae namang may tulo, karaniwang asymptomatic at halos 80% ng babaeng may tulo ay walang sintomas o parang walang impeksiyon at bumibilang muna ng maraming buwan bago ito mapansin sa babae. Sila mismo ay hindi alam na may impeksiyon na sila sa katawan. Gayunman, mapapansin na may lumalabas minsan na medyo greenish-yellow discharge mula sa cervix at bukod ditto, puwedeng mag-complain ang pasyente ng pananakit ng katawan o paninigas ng kalamnan, matinding sakit n...