Ang cancer sa ovary ay may mas mataas na kaso sa mga babaeng may edad 40 pataas at halos wala itong sintomas sa una kaya marami sa mga ganitong kaso ang huli nang nade-detect. Kung may senyales man, ito ay ang bukol na makakapa sa tiyan o kaya naman ay may nasasalat na bukol bandang balakang kapag ineksamin. Kung matutuklasan ng maaga ang kanser sa obaryo, mabisa ang operasyon, kung ito ay advance, operasyon at chemotherapy ang ginagawa.
Ang kanser naman sa matris o corpus uteri ay tumataas ang insidente kapag ang babae ay lampas na sa edad 45 at karaniwang sintomas nito ay labis na pagdurugo kapag nagreregla o kaya naman ay nagdurugo sa pagitan ng magkasunod na menstruation (intermenstrual bleeding) o pagdurugo ng isang babaeng nag-menopause na, kung minsan ay may discharge sa puwerta na hindi karaniwan at paminsan-minsan na paghilab o paninigas ng tiyan. Mas mataas ang risk na magkaroon nito ang mga babaeng hindi nagkaasawa o nagkaanak, mga babaeng matagal ng gumagamit ng hormonang estrogen o 'yung may kasaysayan ng kanser sa matris sa pamila, 'yung matataba na may kanser sa suso, alta-presyon at diabetes.
Ang kanser sa matris kapag natuklasan ng maaga tulad ng kanser sa obaryo ay posible itong magamot ng operasyon.
Maipapayo ang pagpapaeksamin sa isang gynecologist, taun-taon.
source: Bulgar credits to: Sabi ni Doc Shane M. Ludovice M.D
Comments
Post a Comment