Skip to main content

5 CALL CENTER JOBS na Sasahod Ka ng 200K-350K/a year

Sa blog na ito pag-usapan natin ang 5 CALL CENTER JOBS na pwede kang pasahurin ng 200K-350K per year. 

Good vibes sa lahat! Maaari ka ring pumunta sa playlist ng aking Youtube Channel kung saan makakapanood ka pa ng iba ko pang CALL CENTER JOB TIPS. Kaya subscribe na at i-follow mo rin ang blog na ito. Wag mo ring kalimutan i-share sa iyong facebook o iba mo pang social media account para makatulong ka din sa iba pang naghahanap ng trabaho sa call center.

May iba't ibang uri ng trabaho sa call center. Sa blog na ito, mag-fofocus tayo sa voice account. May dalawang uri ng voice account. Ang una ay ang inbound account, kung saan ikaw ang tatanggap ng tawag mula sa mga customers mo. Tatawag sila para humingi ng assistance sa iyo. Ang pangalawa naman ay ang outbound account, kung saan ikaw naman ang tatawag para magbenta, mag-upsell o mag collect ng data. 

Bago ka mag-apply, pakiramdaman mo ang sarili mo kung saan ka nababagay o kung saan feeling mo mas matatagalan mo ang trabaho. I-match mo ito sa iyong personality. 

Masayahin ka ba, may pleasing voice, yung bang kapag nagbigay ka ng info sa customer maniniwala sila sa iyo na kaya mo silang tulungan. Hindi ba mainitin ang ulo mo? Mahaba ba ang patience mo? Mahusay ka ba sa multi-tasking? Kung ganito ang personality mo mas bagay sa iyo ang inbound account. 

Kung persuasive ka naman, yung tipong kaya mong pilitin yung tao na bumilib sa sinasabi mo at yung tipong kahit hesitant yung customer sa simula na maniwala sa offer mo ay kaya mo pa rin siyang pabilhin ng produkto mo ay para sa iyo ang outbound account. 

Pero alin ba sa dalawang uri ng account na ito ang mas kikita ka ng malaki? Unahin natin pag-usapan ang posible mong kitain sa inbound account.

Sa loob ng sampung taon ko sa call center, tatlo sa na-handle kong inbound accounts na pinasahod ako ng 200K/year ay ang insurance account , travel account, at telco billing account. 

1. Healthcare Insurance Account

Sa insurance account, trabaho ko ang magbigay ng info kay customer kung ano ba ang benefits at eligibility niya sa insurance policy na binabayaran niya. Trabaho ko rin na i-verify ang claims ni customer. Ang training sa insurance account specifically sa healthcare insurance ay aabot ng halos dalawang buwan. Pero wag kang mag-alala kasi bayad ka naman sa pinapasok mong training. Day shift din usually ang training sa account na ito. At weekends ang days off mo. 

Ang stressful part sa call center job na ito ay yung patience ni customer na naghihintay ma-approve ang claims nila. Medyo kailangan mo ring paganahin ang galing mo sa basic math kasi mag-co-compute ka rin. Pati na rin yung analytical skill mo kasi kailangan mong balikan ang history ng calls para makapagbigay ka ng proper solution kay customer. 

Pag easy ang calls ay 3 to 5 minutes tapos mo na ito. If irate si customer ay aabot ang calls mo ng 1 hour o higit pa kakahanap ng supervisor sa floor. 

Don't worry, mababawasan ang stress mo kapag na-gain mo na ang knowledge at kapag nagkakaroon na ng sense sa iyo ang mga napag-aralan mo sa training at kapag paulit-ulit na ang inquiries ni customer. Kapag alam mo na kasi ang sagot sa mga inquiry, madali mong na reresolve ang issue ni customer at nagiging happy siya at happy ka rin. 

Kikita ka ng around 200K per year sa account na ito. Bukod kasi sa basic salary mo, may mga incentive silang binibigay for perfect attendance, best average handling time, CSAT incentives at iba pa. 

2. Travel Account

To be honest, di ko natagalan ang account na ito. Hindi ito naging madali para sa akin kasi never in my entire life na nakapagtravel ako, even domestic flights. So nang ma-hire ako dito, lahat bago sa akin. Yung system na ginagamit, yung standard procedure, kung paano mag-book ng flight, kung paano mag compare ng flights, lahat bago ito sa pandinig ko. 

Maybe nung time na ito, medyo burnout ako sa pag wo work kaya di ko na focus at nabigyan ng chance yung sarili ko na tagalan at masanay sa account. 

Ang training para sa account na ito ay aabot ng higit 2 months at paid din. Night shift ito kahit sa training days mo. At shifting ang schedule. Paiba-iba. 

Kikita ka dito ng 200K/year basic salary plus perfect attendance incentive. 

3. Telco Billing Account

Sa call center job na ito ay tutulungan mo si customer mag ask ng refund, mag reset ng password ng account, mag-analyze ng bill nila, bakit ba sila na-charge, bakit lumobo ang account nila etc. Madali yung task sa telco billing account pero challenging ang customers dito kasi pera na ang pinag-uusapan. Patience is the key para tagalan ang account na ito. 

Kung Australian telco ka napunta ay malamang nasa day shift ka at weekends ang days off. Kung American telco naman ay malamang sa hinde nasa grave yard shift ka at depende sa TL ang days off mo. 

Kikita ka dito ng 200K-250K basic salary. Wala ring masyadong incentive bukod sa perfect attendance at sa mga incentive na may duration lang,

Balik tayo sa outbound. Dito ka kikita ng malaki dahil bukod sa sasahurin mo, unlimited din ang incentives dito. Sa dami ng commission na binibigay sa top agent o top seller ng isang outbound sales account, minsan kaya mo pang lampasan ang sinasahod ng TL mo. Depende kung gaano ka kagaling bumenta, pwede kang mag range sa 300-350K/year o more pa.

May dalawang sales account ako na nahandle sa outbound.

4. Telco Sales Account

Kausap ko dito ay mga current customer na ng isang telco company. Tatawag na lang ako sa kanila para mag-upsell o alukin sila na mag upgrade ng phone. Sa sobrang dami ng incentives dito at kung mahusay ka talaga, tiyak na di ka tatamarin na pumasok. 

Masaya din ang ambiance sa sales account. Highly recommended ito sa mga extrovert at outgoing persons kasi maingay ang account, lively at challenging talaga ang makabenta. 

Magiging toxic ang account na ito sa iyo kapag di ka nakaka-quota. Sa totoo lang, kahit ikaw pa ang pinakamahusay mag- English sa floor, kung wala kang "voice that can sell", persuasiveness, at samahan na rin ng luck, tiyak na hindi ka bebenta at baka ilipat ka lang ng account ng kompanya mo.

5. Credit Card Application

Ito yung una kong naging trabaho sa call center. May mga times na naging top agent ako, may mga buwan namang hindi rin. Depende ata sa kapalaran ko. Pero okay ang account na ito, ang daming pera dito kapag talagang pambenta ang boses mo. Ikakayaman mo ito lalo't magaling ka sa pera. Posible ka ring kumita dito ng 350K above per year depende sa sales skills mo.

Ikaw ba saan sa tingin mong CALL CENTER JOBS nababagay ang skills mo at voice mo, sa inbound o sa outbound? Comment below and share your thoughts. Also again watch me on my Youtube Channel for more Call Center Tips

Pa-support na rin ng blog kong ito by visiting Deals PH, your one stop shop for promos and discounts from Lazada and Shopee store. Just click my affiliate link so I can earn a small revenue. Good vibes! 

Comments

Popular posts from this blog

Pamahiin Tungkol Sa Kasal (WEDDING SUPERSTITION)

Punumpuno ng mga superstitious beliefs ang mga pinoy tungkol sa kasal (wedding). Kahit na moderno ang panahon ngayon, marami pa rin ang naniniwala sa mga pamahiin wala man itong lohikal na paliwanag o syentipikong eksplanasyon. Nandun pa rin kasi sa atin 'yung pag-uugali na wala namang masama kung maniniwala kaya kahit ipagpilitan pa ng iyong lolo na ito ay coincident lamang, hindi pa rin ito mawala-wala. Magkagayunpaman, hindi mahalaga ang mga ito. Ang mahalaga ay punumpuno ng pagmamahalaan ang mag-asawa, nagtitiwala at may commitment sa isa't-isa at ang kanilang paniniwala sa basbas ng Diyos na sila ay pinagsama upang maging maligaya habambuhay. Anu't-anuman, narito ang ilang paniniwala na sinusunod magpahanggang ngayon at mga hindi na dahil ang iba ay wala na sa hulog. Hindi dapat na isinusukat ng bride ang kanyang wedding dress bago ang kasal dahil baka hindi ito matuloy.  Ang kutsilyo o iba pang mga matutulis na bagay ay hindi dapat na ipinanreregalo sa ikakas...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Tips Kung Paano Gamitin Ang Oregano Bilang Gamot

Ang Oregano na may scientific name na Coleus Aromaticus ay isang halamang gamot. Ito ay may matapang na amoy, mabango at malambot ang mga sanga. May pagkahugis puso ang hitsura nito na may haba na 2-3 pulgada. Bukod sa ginagamit ito bilang lunas sa mga karamdaman gaya ng ubo at sipon, ang Oregano ay sangkap din sa ilang mga lutuin bilang pampalasa. Mga Benipisyo Ng Oregano: Nakapagbibigay ginhawa ito kung ikaw ay may ubo, sipon o lagnat. Mabuti rin itong lunas kung ikaw ay may sore throat. Lunas din ito kung ikaw ay may UTI  Maigi rin ito kung ikaw ay may stomachache Nakakagamot rin ito ng mga pigsa  Tips Kung Paano Gamitin Ang Oregano: Ilaga ang sariwang dahon ng Oregano sa tatlong tasa ng tubig. Mga 10-15 minutos. Kung ikaw may ubo o sipon, maiging uminom ng isang tasa nito 3 beses sa isang araw.  Kung malala ang iyong ubo. Gawing mas matapang ang paghahanda ng Oregano sa pamamagitan ng pagpiga sa dahon nito at inumin ang isang kutsaritang k...