Skip to main content

Call Center Initial Interview Questions na May Sample Na Sagot Pwede Mong Gayahin

Ito yung pinakamadalas na CALL CENTER INITIAL INTERVIEW QUESTIONS na kayang-kaya mong ipasa basta gawin mo lang ito.


Good vibes sa lahat! Welcome na naman sa aking blog, mayroon din akong playlist sa aking youtube channel kung saan ninyo ako mapapanood na nagbibigay ng iba't ibang tips and tutorials kung paano matanggap sa CALL CENTER JOBS Subscribe na sa aking youtube channel. Follow mo na rin ang blog na ito at wag kalimutan na i-share sa iyong facebook o iba mo pang social media accounts para mas marami pang makaalam ng teknik na ituturo ko sa iyo para sabay sabay kayong pumasa sa initial interview ng kahit anong call center na ma-applayan mo.

Ako nga pala si Ram, 2005 ng magsimula ako sa call center bilang outbound agent. Outbound agent ang tawag sa mga call center agent na siyang tatawag sa customer para magbenta ng produkto o service, mag upsell, at pati na rin collections. Credit card application ang una kong account sa call center, tumatawag ako sa mga U.S based clients para alukin sila na mag apply ng bagong credit card. Naging top agent ako noon kahit baguhan lang ako. Kahit feeling ko talaga noon hindi ako magaling kasi alam mo bago ako natanggap sa call center, labing-isang kompanya ang nag-reject sa akin. Noong panahon na kasi na ito, umuusbong pa lang sa Pilipinas ang call center industry. At bago ako naging call center agent, wala akong kahit anong background tungkol dito. Inalok lang ako noon ng manager ko noon sa Jollibee na mag-apply. Dati kasi akong dining crew sa fast food chain na ito. 

Sinubukan ko, kasi may magandang education background naman ako. Masscom student pa lang ako noon at huminto muna ako noon sa pag-aaral para makaipon ng pera. May confidence na ako kahit papaano pero iba pa rin talaga pag nandun ka na mismo sa interview lalo't first time mo. 

Kaya swerte ka, kasi ngayon may mga blog ng gaya nito, social media at video tutorials ka ng mapapanood para kahit papaano may idea ka na bago ka pa sumabak sa interview.

Una sa lahat, be prepared. Wag sugod lang ng sugod. Hindi porke't kung saan saang call center mo lang sinubmit ang resume mo, ay ganun ka din pag dating sa initial interview. Wag mong sayangin ang oras na makapaghanda. Mula sa damit na isusuot mo, sa gesture at postura mo, sa eye contact mo at kung paano mo dalhin ang sarili mo. At syempre, mag-English ka from start to finish. 

Madali lang mawala ang nerbyos basta't alam mo sa sarili mong ready ka. Kaya ito naman 'yung ilan sa mga tanong na madalas tinatanong ng mga recruitment team sa call center. 

Tandaan, maging totoo ka at iwasan ang mag-imbento ng sagot. Kung ano lang ang naging experience mo, yun lang ang i-share mo. Mahalaga rin na magbasa basa ka na tungkol sa ano ba ang call center, pati na rin yung ilang mga terms na ginagamit don. 

Kung paano sagutin ito, depende ito sa kung paano ka komportable. May mga applicant na mas magaling silang sumagot kapag memorize na nila ang sagot sa tanong. May mga applicant naman na mas komportable na sumagot kahit hindi nila memorize ang sagot. So walang mali na i-memorize mo ang sagot sa mga tanong na ito basta't alam mo kung paanong magmumukang natural at genuine ang sagot mo. 

Ito na ang mga common call center initial interview questions. Mapapansin mo na hindi pa ganun ka-challenging yung mga questions na ito, kasi nasa first stage ka pa lang ng application mo. Kaya wag ka muna ma-stress kasi kung alam mo na ang mga tanong na ito, di ka na ganun kabadong sagutin. 

1. Tell me something about yourself?

Simple lang gusto nilang malaman sa tanong na ito, kaya just make it short and simple. Start by stating your name, the school you last attended o kung ano yung current/dating work mo. 

Sample: My name is Ram, I'm 28 years old. I worked as a dining crew in Jollibee for 6 months and now currently looking for a job and trying my best to get hired in your company as a call center agent. 

2. Tell me something about yourself not written in your resume?

Kapag ganito ang tanong, gustong malaman ng interviewer kung mayroon ka bang traits na related sa trabahong inaaplyan mo. Kaya dito pwede kang magsabi ng achievements mo na related sa job position na inaaplyan mo. Pwede ka ring magsabi ng character mo na related pa rin sa pagiging call center agent.

Sample: My name is Ram. I'm 28 years old. From my previous job, I learned the importance of teamwork. From what I know, as a call center agent, I need to work with a team and help reach its target metrics. I can say that I am a team player and also can work independently and has initiative at work.

3. How much salary do you expect?

Sa tanong na ito, wag kang in-denial. You apply because you want to earn kaya wag mong baratin ang sarili mo. Magtanong-tanong ka sa call center na inaplyan mo kung magkano ba ang ino-oofer nila for first time and tenured. In that way, magka-ka-idea ka na sa kaya nilang i-offer.

Sample: One of the reasons I applied for this job is the opportunity to earn way better from my previous job. I learn that you could offer 18, 000 per month for call center newbies, I believe its already good for me and almost double the salary that I was receiving before. I will go by that. 

Nakukuha mo na ba so far ang teknik. Always sound confident. At magiging confident ka lang pag may alam ka na sa tanong. Of course, may mga tanong na di mo napaghandaan. Pero wag ka mag-alala kasi kapag marami ka ng sagot sa tanong at nakikita ng inteviewer na confident ka naman. At may comm skills na. Mataas na ang score mo sa interview. 

Kung sakaling parang na-ambush ka sa mga tanong, Hindi naman masama na ipaulit ang tanong. Ang importante, sinagot mo ito with conviction. Kaya in your free time, subukan mong sagutin ang ilang tanong sa ibaba at i-comment ang sagot mo. Babasahin ko ang mga sagot ninyo sa mga tanong na ito sa aking youtube channel at titignan ko kung paano mo pa ma-iimprove ang sagot na ito. 

Ito ang ilan pa sa mga tanong sa call center initial interview:

4. Where do you see yourself 5 years from now?

5. Why do you choose to work here?

6. What is your idea about working in a call center?

7. Can you tell me something about your achievements?

8. Can you tell me something about your previous job?

9. What is the difference between inbound and outbound calls?

10. What is the difference between affect and effect?

Kayang kaya mo di ba? Again comment your answers and watch me on my Youtube Channel for the update. 

More call center tips sa aking main blogspot account. Click here.

Don't forget to follow and share. Pa support na rin ng blog kong ito by just clicking my affiliate link here to Deals PH, your one stop shop to find amazing deals and promos in Lazada and Shopee . 

Comments

Popular posts from this blog

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii

Pamahiin Tungkol Sa Kasal (WEDDING SUPERSTITION)

Punumpuno ng mga superstitious beliefs ang mga pinoy tungkol sa kasal (wedding). Kahit na moderno ang panahon ngayon, marami pa rin ang naniniwala sa mga pamahiin wala man itong lohikal na paliwanag o syentipikong eksplanasyon. Nandun pa rin kasi sa atin 'yung pag-uugali na wala namang masama kung maniniwala kaya kahit ipagpilitan pa ng iyong lolo na ito ay coincident lamang, hindi pa rin ito mawala-wala. Magkagayunpaman, hindi mahalaga ang mga ito. Ang mahalaga ay punumpuno ng pagmamahalaan ang mag-asawa, nagtitiwala at may commitment sa isa't-isa at ang kanilang paniniwala sa basbas ng Diyos na sila ay pinagsama upang maging maligaya habambuhay. Anu't-anuman, narito ang ilang paniniwala na sinusunod magpahanggang ngayon at mga hindi na dahil ang iba ay wala na sa hulog. Hindi dapat na isinusukat ng bride ang kanyang wedding dress bago ang kasal dahil baka hindi ito matuloy.  Ang kutsilyo o iba pang mga matutulis na bagay ay hindi dapat na ipinanreregalo sa ikakas

Seafood Allergy- Tips Kung Anong Dapat Gawin

Ang seafood allergy ay nararanasan ng isang tao kapag ito ay nakakain ng ilang klase ng isda o shellfish at dahil dito ay nagkaroon ito ng reaction sa kanilang immune system at nagdulot ng ilang sintomas ng allergic reaction (rash,hives,pangangati,pamamaga,pagsusuka,diarrhea,pananakit ng tiyan,hirap sa paghinga,pagbaba ng presyon at mawawalan ng malay) at ang seafood daw ay isa sa Top 8 na food allergen kumpara sa soy at milk allergies. Seafood Allergy -Tips On What to Do? Marami sa atin ang nagkaka-allergy sa seafood (shrimp,talaba,lobster,scallops,clams,crabs,squid) subalit, mas marami ang sa shrimp (hipon) at sinasabi na 40% ay may fish allergy (salmon,tuna) at 60% naman ay seafood allergy na nagsisimula sa adulthood. Ang pagkakaroon ng allergic reaction sa ilang muscle protein (tropomycin) na nasa seafood ay posibleng magdulot ng  "anaphylactic shock" kung saan ay biglang  baba ng blood pressure, namamanhid ang dibdib hanggang leeg, namamaga ang lalamunan at dah