Skip to main content

Sinubukan Kong Kumita sa Online Forex Trading at Ito ang Resulta

Dahil pandemic ngayon, sinubukan kong kumita ng pera sa iba't ibang online platforms at apps. Isa sa sinubukan ko ay ang forex trading.



Una, naghanap ako ng isang legitimate na online forex trading platform para makapagsimula. May mga trading apps o website na mahal ang initial deposit kaya di ko ma-afford. Hanggang sa makakita ako ng isa na pwede kang magsimula sa halagang 500 pesos o 10 USD. Nakita ko nga itong IQoption. 

Pangalawa, syempre pinakamahalagang malaman ko kung madali ba ma-withdraw ang pera. Legit naman, kailangan lang ng government I.D at bank account para ma-verify ang account. Umabot lang ng isang araw o dalawa ang verification. Pagkatapos, ginamit ko ang aking Skrill account para i-link ito sa IQOption. Ang Skrill ay isa sa mga accepted payment processor ng IQoption kung saan instant kang makakapag deposit at cashout. At para naman makapagpasok ako ng pera sa Skrill, kinailangan kong gumamit ng Paymaya virtual visa card. At upang i-withdraw naman ang pera mula sa Skrill, ay kailangan ko namang i-link ang aking Gcash account para instant ang pagpasok ng pera. 

At pangatlo, heto na, sinubukan ko ng aralin ang basic ng trading. Naghanap ako ng mga youtube tutorials na makakapagturo sa akin ng mga bagay bagay tungkol dito gaya ng ano pa ang Call o Put, Buy or Sell. Kelan ba dapat mag-buy at kelan ba dapat mag-sell. Hindi ko na ituturo dito kung para saan ba ang mga ito dahil unang-una hindi ako bihasa sa trading. 

Pang-apat, may demo account sa IQOption, kaya na-ipratice ko muna ang mga natutunan ko mula sa mga tutorials na napanood ko. Sa IQOption, may tinatawag na binary option, dito ko i-fo-focus ang topic kasi dito ako mas madalas mag trade. Ang binary option sa madaling sabi ay parang "sugal" lalo na sa tulad kong di naman ganun kabihasa sa trading kasi bago nga. Parang sugal siya in a sense na may mga indicators naman para malaman mo kung may posibilidad bang tama yung bet mo. Kung tama bang nag-buy ka o nag sell ka. 

Pang-lima, dahil okay naman yung naging experience ko sa demo account. Heto na nagpasok na ako ng pera sa IQOption. Pero iba kasi yung pakiramdam kapag sariling pera mo na yung ginagamit mo. Kumbaga may kasama ng emosyon, may kaba na. Lalo na kung yung perang ginamit mo ay perang ayaw mong matalo. Sa demo account kasi, nagpapractice ka ng perang hindi iyo kaya walang emotion involve. 

Kaya ito na ang sagot sa tanong, kumita ba ako? Ang sagot, hindi! Malaking hindi! At some point, na-realize ko na mas marami akong naitatalong pera kesa sa naipapanalo ko. Mas malaki na yung na-invest kong kapital kesa sa kinita ko. Kaya nag-desisyon na ako na itigil na. Baka di talaga para sa akin. Kasi binilang ko na yung laki ng kapital na naubos ko dito at obviously, kahit ano pang aral ko sa trading particularly the binary option, hindi worth it for me. 

Pero hindi ko sinasabi na wag mong i-try kasi legit naman yung IQOption, Legit na makukuha mo yung kita mo instantly basta verified ang account mo. Wala akong masamang masasabi sa website o app na ito. Basta ang sakin lang, tinanggap ko na sa sarili ko na hindi ako para sa trading, hindi dahil di ako marunong kundi siguro dahil may tendency ako na kainin ng emotion ko kapag nagtetrade ako. At ito yung pinaka-kalaban ko. May mga instances kasi na kapag nalulugi na ako ay mas magiging impulsive ako na mag bet ng bara bara, dahil gusto kong makabawi pero sa huli kabaliktaran yun nangyayari.

Kung maalam ka sa trading, sa binary option, para sa iyo ito. Pero hindi ko ito ni-rerecommend sa mga taong tulad ko na impulsive, maiksi ang pasensya at masyadong emosyonal kapag nagtetrade,kung tulad ka ng ugali ko sa pagte-trade, ngayon pa lang sinasabi ko na sa iyo, wag mo ng subukan. Matatalo ka lang. 

Kung nais mong mag-sign up ng account sa IQoption under my referral link, click mo lang dito

Comments

Popular posts from this blog

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii

Pamahiin Tungkol Sa Kasal (WEDDING SUPERSTITION)

Punumpuno ng mga superstitious beliefs ang mga pinoy tungkol sa kasal (wedding). Kahit na moderno ang panahon ngayon, marami pa rin ang naniniwala sa mga pamahiin wala man itong lohikal na paliwanag o syentipikong eksplanasyon. Nandun pa rin kasi sa atin 'yung pag-uugali na wala namang masama kung maniniwala kaya kahit ipagpilitan pa ng iyong lolo na ito ay coincident lamang, hindi pa rin ito mawala-wala. Magkagayunpaman, hindi mahalaga ang mga ito. Ang mahalaga ay punumpuno ng pagmamahalaan ang mag-asawa, nagtitiwala at may commitment sa isa't-isa at ang kanilang paniniwala sa basbas ng Diyos na sila ay pinagsama upang maging maligaya habambuhay. Anu't-anuman, narito ang ilang paniniwala na sinusunod magpahanggang ngayon at mga hindi na dahil ang iba ay wala na sa hulog. Hindi dapat na isinusukat ng bride ang kanyang wedding dress bago ang kasal dahil baka hindi ito matuloy.  Ang kutsilyo o iba pang mga matutulis na bagay ay hindi dapat na ipinanreregalo sa ikakas

Seafood Allergy- Tips Kung Anong Dapat Gawin

Ang seafood allergy ay nararanasan ng isang tao kapag ito ay nakakain ng ilang klase ng isda o shellfish at dahil dito ay nagkaroon ito ng reaction sa kanilang immune system at nagdulot ng ilang sintomas ng allergic reaction (rash,hives,pangangati,pamamaga,pagsusuka,diarrhea,pananakit ng tiyan,hirap sa paghinga,pagbaba ng presyon at mawawalan ng malay) at ang seafood daw ay isa sa Top 8 na food allergen kumpara sa soy at milk allergies. Seafood Allergy -Tips On What to Do? Marami sa atin ang nagkaka-allergy sa seafood (shrimp,talaba,lobster,scallops,clams,crabs,squid) subalit, mas marami ang sa shrimp (hipon) at sinasabi na 40% ay may fish allergy (salmon,tuna) at 60% naman ay seafood allergy na nagsisimula sa adulthood. Ang pagkakaroon ng allergic reaction sa ilang muscle protein (tropomycin) na nasa seafood ay posibleng magdulot ng  "anaphylactic shock" kung saan ay biglang  baba ng blood pressure, namamanhid ang dibdib hanggang leeg, namamaga ang lalamunan at dah