Ninanais ng lahat ng mga babae na magkaroon ng mahaba at makintab na buhok. Ngunit ang ilan sa kanila, nakalulungkot man, ay nakararanas ng mabagal na pagtubo ng buhok at ang iba nama’y pagkalagas.
Tulad ng mukha, ang buhok ay madalas na kasama rin ng skin
layer. Madalas na oily ang anit at dahil riyan nagiging sagabal ang mga dead
skin cell para tumubo ang buhok ng mabilis. Subukan mong i-masahe ang iyong
anit gamit ang iyong daliri o suklayin ng dalawang minuto bago ka mag-shower.
Pwede itong magpabilis sa pagtubo ng hair follicles.
Ikonsidera din naman ang paggamit ng shampoo at conditioner.
Gumamit ng mga ito ayon sa kondisyon ng iyong buhok. Gumamit ng shampoo at
conditioner na may moisturizer. Pwede kang magpalit ng shampoo kung hindi ito
hiyang sa iyo.
At hangga’t maaari ay iwasan mo ang mga gamit sa buhok tulad
ng curler at hair dryer. Sapagkat ang init na nagmumula sa mga gamit na ito ay
nakasisira ng cuticle na siyang nagpoprotekta sa buhok laban sa pagkasira at
pagkalagas.
Source: medicmagic.net
Comments
Post a Comment