Hindi lang sa kalusugan may labis na epekto ang polusyon kundi pati na rin sa ating buhok (hair). Imbes na maging shiny ang ating buhok ay nagiging tuyot ito dahil sa polusyon. At hindi magandang tignan lalo na sa mga babae kapag dry ang hair. Nakababawas kasi ito sa kanilang natural na ganda at sigla.
Idagdag pa rito na hindi sapat ang shampoo lang o pagko-conditioner para solusyunan para
mapanumbalik ang ganda at sigla ng buhok. Pero huwag kang mag-alala sapagkat
may mga paraan naman ang pwede mong gawin para maging makintab,malambot at
maganda muli ang iyong buhok mula sa epekto ng polusyon.
Ang paggamit ng scarf o sombrero ay makaiigi para
maprotekhan ang iyong buhok sa labis na init ng araw. Pwede kasing makasira ng
hair cuticle ang sikat ng araw at pinagmumukha nitong tuyot ang ating buhok. Importanteng
hindi mawala ang pinong yari ng ating buhok dahil sa pinsala dulot ng sikat ng
araw kaya makakaigi sa atin ang paggamit ng scarf o sombrero sa tuwing tayo ay
lalabas ng bahay lalo’t mataas ang sikat ng araw.
Huwag mong patagalin ng higit isang oras ang hair oil sa
iyong buhok. Didikit lamang ang mga alikabok sa iyong buhok. Isa pa, kailangan
mo ng extra shampoo para alisin ang lagkit sa iyong buhok dulot ng mga langis
sa buhok.
Gaya ng balat ay gumamit ka rin ng sunscreen para sa iyong
buhok. Mag-spray ng sunscreen kapag ikaw ay lalabas ng bahay. Makatutulong ito
laban sa pinsalang dulot ng araw at makaiiwas ka rin sa pagkalagas ng iyong
buhok. Mas magiging shiny ang iyong buhok at gaganda pa ang texture nito.
Tumungo sa mga salon para magpa-hairsteam isang beses kada
isang linggo. Pwede mo rin itong gawin sa bahay gamit ang simpleng paraan ng
paghuhugas ng buhok gamit ang maligamgam na tubig pagkaraa’y takpan ito ng
tuwalya para palamigin. Gawin mo ito ng ilang beses. Ang paraang ito ay
tumutulong para mabuksan ang pores at bumilis ang blood circulation.
Sa tamang pag-aalaga ng buhok laban sa polusyon ay makaasa
kang lalong gaganda, kikintab at lalago ito. Tiyak na mahuhumaling muli sa
iyo ang iyong minamahal.
Source: medicmagicdotnet
Comments
Post a Comment