Nakakahiya ang balakubak lalo’t kitang kita ito na naglalaglagan sa iyong balikat habang nakasuot ka ng itim na t-shirt. Turn off sa nililigawan kapag may balakubak ka kaya ngayon pa lang ay humanap ka na ng shampoo na epektib sa pantanggal ng balakubak mo.
Ang malassezia ay isang yeast tulad ng fungus na maaaring
kontrolin sa pamamagitan ng kombinasyon ng tinatawag na medicated shampoos.
Upang makaiwas sa dandruff, mainam na halinhinang gumamit ng produktong may
salicylic acid at ng zinc pytiyhione, araw-araw sa loob ng limang minuto.
Banlawan ang ulo gamit ang mainit na tubig at sundan ito ng moisturizing
conditioner saka muling banlawang maigi.
Ang sintomas ay tinatayang mababawasan makalipas ang
dalawang linggo hanggang sa isang beses na lang itong gagawin sa isang linggo
hanggang sa tuluyang mawala ang suliranin.
Mainam na makipagkita sa doktor kung mas malala pa ang
sitwasyon.
Kaya’t huwag mong ipagsawalang bahala ang iyong balakubak
sapagkat marami namang paraan para gamutin ito. Para rin iyang pagkakaroon ng
body odor na hindi kaaya-aya sa mga taong makakakita at makaaamoy.
Source: Bulgar credits to: No Problem ni Ms. Myra
Comments
Post a Comment