
IBINUNYAG ng mga siyentipiko mula sa kanilang pananaliksik na maaaring mapalayo sa banta ng breast cancer ang bawat indibidwal ng hanggang 79% mula sa paglagok ng limang baso ng tubig mula sa gripo sa bawat araw. Lumabas din sa naturang pag-aaral na possible ring mabawasan ang panganib ng pagkakaroon ng colon cancer ng hanggang 45%.
Ilan pa sa mabuting hakbang upang makaiwas sa iba pang uri ng cancer ay kinabibilangan ng mga sumusunod:


Gayundin, tinatayang maiiwasanang lung cancer mula sa pagkain ng mansanas sa bawat araw. Ang mansanas ay nagtataglay ng makapangyarihang kombinasyon ng cancer-fighting chemicals kabilang na ang tinatawag na quercetin at rutin. Maliban sa lung cancer, ang nutrisyong ito ay epektibo rin laban sa colon, liver at prostate cancer.

Ang pakonsumo ng lettuce, na espesikong nakapagbibigay ng vitamin K sa katawan ay may kakayahang pumatay sa cancer cells sa anumang uri nito bago pa man ito ma-develop sa full-blown tumors.
Dahil sa ang vitamin K ay isang fat-soluble, mainam na siguraduhin ang pagdaragdag ng salad dressing sa lettuce bago pa man ito konsumuhin.
Comments
Post a Comment