Skip to main content

Bakit Ka Madaling Kapitan Ng Trangkaso?(INFLUENZA)


Sa malamig na panahon o tag-ulan, madaling kapitan ang isang tao ng trangkaso o influenza. Pero ang ilan kahit na malapit sila sa mga taong may trangkaso ay hindi sila nahahawa at nananatiling malusog ang kanilang kondisyon. Pinaniniwalaan ng mga scientist na ang phenomenon na ito ay may kinalaman sa genes na mayroon ang mga ganung tao.


Pwedeng makuha sa hangin ang influenza virus ay naililipat o naipapasa sa pamamagitan ng pag-ubo at pagbahing. Ang isang ubo ay pwedeng makapagpakalat ng 100 libong virus sa hangin. At kapag bumahing pa ay dodoble ang bilang nito at aabot ng 2 milyong virus. Madaling makahawa ang influenza virus at sa katunayan 5 hanggang 15 porsyento ng populasyon kada taon ang naapektuhan nito.

Higit na pabago-bago din ang reaksyon ng virus na ito. May mga taong madaling magka-lagnat o magkasakit. Pero sa kabilang banda mayroon din namang 30 to 50 porsyento ng mga taong malakas ang resistensya laban sa virus na ito. Ang katawan nila ay maiging dumepensa rito.

Ayon sa pag-aanalisa ng mga U.S scientist sa ekspresyon ng gene ng  mga taong kinapitan ng influenza virus, ang katawan nila’y bumubuo ng mga genes na nagpo-prodyus naman ng mga compound na sanhi ng inflammation at stress response. Iyong mga malulusog na tao naman na walang sakit na kanilang sinuri ay may mga genes na responsable sa ant-inflammatory response.
Source: medicmagic.net

Comments

Popular posts from this blog

Pamahiin Tungkol Sa Kasal (WEDDING SUPERSTITION)

Punumpuno ng mga superstitious beliefs ang mga pinoy tungkol sa kasal (wedding). Kahit na moderno ang panahon ngayon, marami pa rin ang naniniwala sa mga pamahiin wala man itong lohikal na paliwanag o syentipikong eksplanasyon. Nandun pa rin kasi sa atin 'yung pag-uugali na wala namang masama kung maniniwala kaya kahit ipagpilitan pa ng iyong lolo na ito ay coincident lamang, hindi pa rin ito mawala-wala. Magkagayunpaman, hindi mahalaga ang mga ito. Ang mahalaga ay punumpuno ng pagmamahalaan ang mag-asawa, nagtitiwala at may commitment sa isa't-isa at ang kanilang paniniwala sa basbas ng Diyos na sila ay pinagsama upang maging maligaya habambuhay. Anu't-anuman, narito ang ilang paniniwala na sinusunod magpahanggang ngayon at mga hindi na dahil ang iba ay wala na sa hulog. Hindi dapat na isinusukat ng bride ang kanyang wedding dress bago ang kasal dahil baka hindi ito matuloy.  Ang kutsilyo o iba pang mga matutulis na bagay ay hindi dapat na ipinanreregalo sa ikakas...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Seafood Allergy- Tips Kung Anong Dapat Gawin

Ang seafood allergy ay nararanasan ng isang tao kapag ito ay nakakain ng ilang klase ng isda o shellfish at dahil dito ay nagkaroon ito ng reaction sa kanilang immune system at nagdulot ng ilang sintomas ng allergic reaction (rash,hives,pangangati,pamamaga,pagsusuka,diarrhea,pananakit ng tiyan,hirap sa paghinga,pagbaba ng presyon at mawawalan ng malay) at ang seafood daw ay isa sa Top 8 na food allergen kumpara sa soy at milk allergies. Seafood Allergy -Tips On What to Do? Marami sa atin ang nagkaka-allergy sa seafood (shrimp,talaba,lobster,scallops,clams,crabs,squid) subalit, mas marami ang sa shrimp (hipon) at sinasabi na 40% ay may fish allergy (salmon,tuna) at 60% naman ay seafood allergy na nagsisimula sa adulthood. Ang pagkakaroon ng allergic reaction sa ilang muscle protein (tropomycin) na nasa seafood ay posibleng magdulot ng  "anaphylactic shock" kung saan ay biglang  baba ng blood pressure, namamanhid ang dibdib hanggang leeg, namamaga ang lalamunan at dah...