Ang trangkaso o flu ay madali namang gamutin. Iyun nga lang, ang mga taong mayroon nito ay nakararanas ng miserableng pakiramdam gaya ng pag-ubo, sipon, lagnat, nausea at pagsusuka.
Ito ang ilan sa madadaling paraan para makaiwas sa flu
virus.
Kailangang magtungo sa isang lugar kung saan makalalanghap
ka ng sariwang hangin upang lumakas ang iyong immune system. May mabuting dulot
din ito sa psychological health ng isang tao tulad ng pagpapababa ng stress
level. Kung labis kang nakakaranas ng stress ay hihina ang iyong immune system.
Maigi ang pagre-relax. Pwede kang umupo saglit at uminom ng
tsaa ng walang anuman o sinuman ang sa iyo ay gumagambala. Maaari ka ring
magdilig ng halaman o gumawa ng mga bagay na makapagpapaalis sa iyong stress.
Sapagkat ang stress ay nagpapataas lamang sa tsansa na ikaw ay magkaroon ng
trangkaso sapagkat pinipigilan nito ang abilidad ng katawan na magprodyus ng
cytokine molecules. Ang molecule na ito ay may tungkulin sa pagresponde ng
immune system laban sa mga sakit. Idagdag pa, na kapag stress ka ay makakaranas
ka ng hindi mahimbing na pagtulog, hindi regular na pagkain at nagiging pabaya
ka sa iyong kalusugan.
Ugaliin ang paghuhugas ng kamay. Ang kamay natin ay
pinamumugaran ng kung anu-anong bacteria at virus.Kaya’t sa tuwing lalabas ka
ng banyo o ng inyong bahay ay ugaliin ang paghuhugas ng kamay. Huwag ding
kalimutan na patuyuin ito agad ng mabuti.
Magkaroon ng mahimbing na tulog. Ang kakulangan sa pagtulog
ay nakapagpapahina ng immune system. Ang mga taong natutulog ng mababa sa 7
oras ay madaling mahawa ng trangkaso ng higit tatlong beses na mataas kaysa sa
mga taong may sapat na dami ng tulog.
Source: medicmagic.net
Comments
Post a Comment