Isang alternatibong paggamot ang Vitamin C para labanan ang iba’t ibang uri ng sakit. Sa katunayan nga’y nabanggit na natin sa mga nakaarang sulatin na mabisa rin ang Vitamin C para bumaba ang ating presyon. At sa pagkakaalam natin ay mabisa ang Vitamin C, sa anumang paraan kung paano mo ito nakonsumo, sa pagpapagaling ng trangkaso o ng flu.
Ngunit may pag-aaral na isinagawa na sinasabing epektibo na
pandepensa sa anumang uri ng karamdaman ang pagkonsumo ng Bitamina C tulad ng
trangkaso ngunit kung ito ay iinumin mo sa oras na ikaw ay may trangkaso na,
ito ay magbibigay na lamang sa’yo ng panlaban sa mga komplikasyon tulad ng
pneumonia sa pamamagitan ng pagpapalakas ng ating immune system. Ito ay ayon sa
dalawang doktor na naglinaw sa kung ano ba ang kayang gampanan ng vitamin C sa
ating katawan.
Ayon kay Dr. Mark Levine, isang nutritionist sa National
Institute of Diabetes and Digestive and Kidney Diseases – walang magagawa ang
bitamina C na gamutin ang iyong sipon o trangkaso. Ito ay magsisilbing
proteksyon lamang at pampapalakas ng immune system para hindi ka dapuan ng
ganitong mga uri ng sakit.
Ang ating katawan ay tutugon lamang sa tamang dami ng
Vitamin C na kailangan nito. Anumang sobra ay itatapon lamang nito at hindi makadaragdag
sa pagpapalakas ng ating immunity. Para ang ating katawan ay maging ligtas sa
anumang sakit, ay kumain tayo ng prutas at gulay.
Sabi naman ni Dr. Aaron E. Glatt, tagapagsalita ng
Infectious Diseases Soceity of America at professor ng Clinical Medicine ng NY
Medical College sa Rockville Center NY – kailangan alam natin ang pagkakaiba ng
prevention at ng paggamot na hatid ng Vitamin C, kung ito ay kinonsumo mo
lamang sa oras ng iyong pagkakatrangkaso, magbibigay lamang ito ng kaunting
benepisyo sa iyong mabigat na pakiramdam.
May mga pag-aaral ding walang dulot na benepisyo ang
pag-inom ng vitamin C para lunasan ang anumang impeksyon sa ating paghinga.
Ang alin sa atin, normal ng itinataas ang dosis ng vitamin C
kapag may trangkaso. Ngunit ito ay maaaring magdulot lamang sa iyo ng pananakit
sa iyong panunaw at iba pang komplikasyon. Ang kailangan mo lang ay isang
healthy diet at uminom ng orange juice para tupdin ang iyong pangangailangan sa
bitamina na ito upang mapalakas ang iyong immune system.
Source: medicmagic
Comments
Post a Comment