Skip to main content

EP67 Vaccine: Kayang Pumatay Ng Virus in 2 Hrs



Sa panahon ng krisis bawal magkasakit- iyan ang sinasabi sa isang sikat na t.v commercial ng isang branded na gamot. Totoo nga namang sa panahon ng kahirapan ay dapat nating isa-alang-alang ang ating kalusugan sapagkat kung pababayaan natin ito ay maaaring magbunsod lang ito ng lalong krisis sa ating buhay sa aspetong pang-pinansiyal pati. Krisis talaga ang aabutin mo sa mga gamot pa lang na iyong bibilhin para ikaw ay gumaling. Ngayon pati ay usong uso ang trangkaso o flu, at napag-usapan na rin lang ang flu, alam ninyo bang mayroon ng bakuna na pwedeng makapatay ng virus sa loob lamang ng dalawang oras- kung tawagin ito ay EP67 Vaccine.
If before we need a lot of vitamins to stop the flu-ngayon ay ipinakikilala na ang synthetic protein na tinatawag na EP67. Ginagamit itong pambakuna para madaling malabanan ang virus na nasa katawan ng may sakit. Kaya ngayong nauuso ang flu virus ay magagamit na ang EP67 upang matulungan ang mga taong tatamaan ng sakit.

According to Dr. Joy Philippines of Nebraska University Medical Center, bukod sa magagawang malabanan agad ng EP67 ang flu virus, makatutulong din ito kung ang isang tao ay mayroong respiratory disease at fungal infection ngunit, mas maigi kung matuturukan ka ng EP67 bago ka pa man dapuan ng anumang sakit.

With this EP67, people will no longer worry about suffering from flu for more than a week. Sa pamamagitan nito ay mayroon na tayong mabisang panlaban sa flu sa panahon ng krisis kung saan bawal magkasakit
Source: Bulgar credits to: Ria Gonzales  


Comments

Popular posts from this blog

Tips Para Malaman Kung Cancerous Ang Nunal (MOLE)

Paano ba malaman kung ang nunal (mole) ay cancerous o hindi? Ang mga benign na nunal ay maliliit lamang at wala pang 5 milimetro. Kitang-kita ang hangganan o border nito. Iisa lamang ang kulay at pwedeng light brown. Kadalasan ay tulad din ito ng iba pang nunal sa katawan ( sa sukat at kulay). Mas mainam po kasi kung hindi ito magbabago ng kulay o laki sa paglipas ng maraming taon. Ang mga suspicious o cancerous mole naman ay 'yung irregular ang border, hindi pantay at hindi malinaw ang hangganan na para bang ang kulay nito ay kumakalat sa katabing balat. Maaaring medyo nakaalsa ang isang bahagi ng nunal at flat ang kalahati. Ang pabago-bagong kulay ng nunal ay nakakaduda. Normally, ang mga nunal natin sa katawan ay flat, maliit at kulay brown sa unang dekada ng ating buhay. Sa katagalan ang mga nunal na ito ay lumalaki at umaalsa. Lumalaki at umiitim ito sa sandaling pagbubuntis. Ang mga normal na nunal ay dapat na malinaw ang border, pantay ang magkabilang panig at ma...

Iba Pang Kaalaman Tungkol Sa Genital Herpes

Ang artikulong mababasa sa baba ay mula sa pahayagang Bulgar sa kolum na Sabi ni Doc ni Shane Ludovice M.D. Ito ay tungkol sa nararanasan ng isang babae tungkol sa pagtutubig ng kanyang ari na tila pabalik-balik. Ano kaya ito? Sabi ni Doc, maaaring genital herpes ang nararanasan ng babae. Ito ay dala ng virus na Herpes Simplex. Maaari itong makuha sa pakikipagtalik sa pwerta, puwit, o oral s&x o pagdikit sa sugat ng taong impektado. Sa genital herpes, nakakakita ng mga butlig na may tubig na parang pasa o sugat sa dakong ari at ito ay makati, mahapdi o masakit. Paminsa-minsan ay nakararanas din ng masakit na pag-ihi o kaya ay nakararamdam ang pasyente na parang may trangkaso. Ang nasabing virus ay maaaring magpabalik-balik. Ngunit sa paglipas ng panahon, nababawasan at dumadalang na ang tindi ng atake nito hanggang tuluyan nang huminto ang atake ng herpes. May mga gamot na klasipikadong anti-herpes pero ang ginagawa lamang nito ay pabilisin ang proseso ng paggaling ng suga...

Gonorrhea: SANHI AT LUNAS SA TULO NG BABAE

ANG gonorrhea o tulo ang pinaka-common na venereal disease na nakukuha sa pakikipagtalik sa isang taong impektado nito. Neisseria gonorrhea ang organismong may dala at higit na tinitira ng organismong ito ang daanan ng ihi o urethra o kaya ay ang kuwelyo ng matris sa babae. Kahit babae ay nagkakaroon talaga ng tulo. Sa lalaking may tulo, kakikitaan ito ng sintomas tulad ng lumalabas na nana sa ari nito, hirap at masakit na pagihi, tatlo hanggang anim na oras matapos makipagtalik sa impektadong kapartner. Sa babae namang may tulo, karaniwang asymptomatic at halos 80% ng babaeng may tulo ay walang sintomas o parang walang impeksiyon at bumibilang muna ng maraming buwan bago ito mapansin sa babae. Sila mismo ay hindi alam na may impeksiyon na sila sa katawan. Gayunman, mapapansin na may lumalabas minsan na medyo greenish-yellow discharge mula sa cervix at bukod ditto, puwedeng mag-complain ang pasyente ng pananakit ng katawan o paninigas ng kalamnan, matinding sakit n...