Huwag mong maliitin ang trangkaso o flu. Hindi lang swine flu ang mapanganib. Dapat ding maging alerto sa karaniwan ng trangkaso. Sa panahon ng trangkaso, ito ang dapat nating tandaan:
Ang balisa o takot na mahawa tayo ng sakit ang lalong
magdudulot sa atin ng sakit. Ang labis na pag-aalala ay nakapagpapahina lamang ng
immune system na siyang dumedepensa sa atin sa anumang uri ng karamdaman.
Ugaliin ang paghuhugas ng kamay sapagkat mabilis kang
mahahawa ng flu lalo’t ikaw ay may close contact sa taong mayroong dalang
virus. Ang tinutukoy ko ay ang pakikipaghalikan, pakikipag-kamayan at
pagyayakap. Hindi naman sinabing huwag mong gawin ang mga tao sa panahon ng
trangkaso. Pwede naman basta’t mag-ingat lamang, makatutulong ang paghuhugas ng
kamay matapos gawin ang mga ito.
Ang paninigarilyo ay nakapagpapahina sa tungkulin ng mga
buhok sa ilong na siyang nag-fi-filter sa hangin patungo sa ating baga. Kaya
pwedeng ma-trap ang bacteria at pumasok sa ating baga. Ito ang sanhi kung bakit
madali kang magkakaroon ng sakit gaya ng flu. Ang mga chronic smokers ay siyang
madaling mahawa ng mga respiratory infection sapagkat mayroon nang pinsala ang
kanilang baga.
Ang labis na pag-eehersisyo ay nakapagpapahina din ng immune
system. Kaya’t kung madalas ka sa gym at gumagamit ng mga equipment gaya ng
treadmill pati na rin ang paggamit ng locker, bag at pag-upo sa mga benches sa
lugar na ito, ay ugaliing maghugas muna ng kamay. Sapagkat ang mga kagamitan na
ito ay pinangagalingan ng maraming germs.
Source: medicmagic.net
Comments
Post a Comment