Skip to main content

Myoma: SANHI, SINTOMAS AT LUNAS




Myoma ang pinaka-common na benign tumor sa mga kababaihan.Uterine leiomyoma ang tawag namin dito. Ang tumor na ito ay binubuo ng mga muscle tissue, kadalasan ay marami ito at bibihira lang ang isa o isolated tumor. Madalas na makita ito sa katawan ng matris subalit puwede rin sa kuwelyo ng matris (cervix).



Ang myoma ay nakikita sa humigit-kumulang na 30% ng mga babaeng lampas na sa edad 35 at bihira lang na nauuwi ito sa cancer, mga 0.1% lang. Hindi pa alam kung ano ang tiyak na sanhi nito, subalit sinasabing ang hormonang “estrogen” at “human growth hormone” ang nagdudulot ng tumor. Ang teoriyang ito ay pinaniniwalaan sapagkat napansin ang maraming amount ng astrogen lalo na kapag nasa later stage na ng pagbubuntis, ay nagdudulot ng paglaki ng tumor. Kadalasang lumiliit at nawawala ang myoma kapag nag-menopause na ang isang babae (kung kalian maliit na rin ang produksyon ng kanyang estrogen).

@ Isa sa senyales na may myoma ang isang babae ay ang pagdurugong madalas (na akala mo ay madalas na pagreregla) at kung minsan ay may kasama ring dysmenorrheal o pananakit ng puson. Makararamdam lang ng sakit kung nag-twist ang tumor.Karaniwan ay nasasalat ang myoma kapag ineksamin ang tiyan at makukumpirma ito sa pamamagitan ng ultrasound.

Ang paggagamutan ng myoma ay depende sa sintomas, sukat, edad ng pasyente, lokasyon ng tumor, kung buntis o hindi, kung ilan na ang anak o may pagnanais na magkaanak at kabuuang kalusugan.

Puwede naming i-monitor ang paglaki ng tumor o kaya’y sumailalim sa operasyon kung masyado na itong malaki at ‘di na komportable ang pasyente.
- Sabi ni Doc (Bulgar) ni Shane M.Ludovice, M.D





Comments

  1. doc, yung gf ko 22 years old na sya.. tapos may simtomas na sya gaya ng pag durugo ng sa kanya. masakit ang puson, pero wala naman syang dysmenorrhea.. ano poh ba ito??

    ineksamin ko po sya, fininger ko, may nahawakan akong bukol sa loob ng kanyang ano.. eto po ba ay mayoma???

    ReplyDelete
  2. pa check up mo sa ob gyne

    ReplyDelete
  3. ung frnd ko po 3 years napo ung mayoma d nya po magawang mag pa opera . nasa ibang bansa po kc sya, dumadalas napo ung pag sakit . hindi po ba dilikado un

    ReplyDelete
  4. doc,ano po ang herbal na gamot sa myoma?may myoma po ako sa right side po at hindi nman ako nag bebleed at hindi rin nanakit puson ko.ano po ang pede kung igamot na mga herbal?tnx po

    ReplyDelete
  5. nag pa check u na po ako.pero ang gusto raspahin ako after ng raspa opera.wala na pong gamot po dito.kasi po din nman ako dinudugo.baka po meron kaung alam na herbal po.

    ReplyDelete
  6. doc ako po 18 years old, may nakapa po ako na bukol sa labas ng pinagdadaanan ng mens ko tapos may lumalabas na dugo at yellow mens tapos mabaho.. Ano po bang sakit yun? Nakakamatay po ba? Pakisagot naman po, natatakot kase ako eh..

    ReplyDelete
  7. matanong lang poh pano poh ung nanakit ang puson ng subra pag buwanang dalaw..mayoma na poh ba un?

    ReplyDelete
  8. panu nmn po un di nmn ako nireregla ng almost 5 mos. na.. pd po bang maging mayoma un??

    ReplyDelete
  9. doc panu poh pg d ng reregla ang babae hal. 5mons. na sanhi dn poh b un ng mayuma my bf xa proh d nmn xa nagagalaw...ng ccmula na dn poh b un na magng mayuma..??

    ReplyDelete
  10. Dr.may mayoma po ako mkta po ito ng mgpacke up ako bale 4 ma bukol po nkta sa matris ko.ung isa 7.5 ang laki tlgang kapang kapa ko po ang bukol dto sa puson ko..45 yrs old na po ako at may 2 anak sa pgkadalaga.ngyon po ay nkapag asawa po ako ng mas higit na bata sa akin.4yrs na po kming kasal at gstong gsto na po ng husband ko na mgkaanak na kmi kht isa.45yrs old na pi ako ngyn at ang husband ko ay 22yrs old lng.nirmal nmn po ang menstruation ko...ngpa sperm ciunts na dn po ang husband ko at mefyo ok nmn po ang resulta...niresetahan po kmi ng Dr. Na ngcheck up sa amin ng CLOMOPHINESITRATE po yta un?... effectuve po ba ang gamot na un? I mean pwede po pa ba ako mgbuntis kht may 4 na bukol ako sa matris?

    ReplyDelete
  11. may future ka pala. biruin mo ineksamin mo gf mo.,wapak! gumamit ka ba ng globes?

    ReplyDelete
  12. Doc kptd q po e nd nereregla nlaki po tyan e d naman buntis may0ma poba un?

    ReplyDelete
  13. nung eneksamin mo ba ung GF mo tumirik mata nya o hindi? pag tumirik ang mata nia.. ibig sabihin masarap yon

    ReplyDelete
  14. doc may mayoma ako 10.2 na sukat takot kc ako magpa opera may gamot po ba pang pa liit nito wala pa kc akong anak 36 years na ako single pa rin..

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Tips Para Malaman Kung Cancerous Ang Nunal (MOLE)

Paano ba malaman kung ang nunal (mole) ay cancerous o hindi? Ang mga benign na nunal ay maliliit lamang at wala pang 5 milimetro. Kitang-kita ang hangganan o border nito. Iisa lamang ang kulay at pwedeng light brown. Kadalasan ay tulad din ito ng iba pang nunal sa katawan ( sa sukat at kulay). Mas mainam po kasi kung hindi ito magbabago ng kulay o laki sa paglipas ng maraming taon. Ang mga suspicious o cancerous mole naman ay 'yung irregular ang border, hindi pantay at hindi malinaw ang hangganan na para bang ang kulay nito ay kumakalat sa katabing balat. Maaaring medyo nakaalsa ang isang bahagi ng nunal at flat ang kalahati. Ang pabago-bagong kulay ng nunal ay nakakaduda. Normally, ang mga nunal natin sa katawan ay flat, maliit at kulay brown sa unang dekada ng ating buhay. Sa katagalan ang mga nunal na ito ay lumalaki at umaalsa. Lumalaki at umiitim ito sa sandaling pagbubuntis. Ang mga normal na nunal ay dapat na malinaw ang border, pantay ang magkabilang panig at ma...

Iba Pang Kaalaman Tungkol Sa Genital Herpes

Ang artikulong mababasa sa baba ay mula sa pahayagang Bulgar sa kolum na Sabi ni Doc ni Shane Ludovice M.D. Ito ay tungkol sa nararanasan ng isang babae tungkol sa pagtutubig ng kanyang ari na tila pabalik-balik. Ano kaya ito? Sabi ni Doc, maaaring genital herpes ang nararanasan ng babae. Ito ay dala ng virus na Herpes Simplex. Maaari itong makuha sa pakikipagtalik sa pwerta, puwit, o oral s&x o pagdikit sa sugat ng taong impektado. Sa genital herpes, nakakakita ng mga butlig na may tubig na parang pasa o sugat sa dakong ari at ito ay makati, mahapdi o masakit. Paminsa-minsan ay nakararanas din ng masakit na pag-ihi o kaya ay nakararamdam ang pasyente na parang may trangkaso. Ang nasabing virus ay maaaring magpabalik-balik. Ngunit sa paglipas ng panahon, nababawasan at dumadalang na ang tindi ng atake nito hanggang tuluyan nang huminto ang atake ng herpes. May mga gamot na klasipikadong anti-herpes pero ang ginagawa lamang nito ay pabilisin ang proseso ng paggaling ng suga...

Gonorrhea: SANHI AT LUNAS SA TULO NG BABAE

ANG gonorrhea o tulo ang pinaka-common na venereal disease na nakukuha sa pakikipagtalik sa isang taong impektado nito. Neisseria gonorrhea ang organismong may dala at higit na tinitira ng organismong ito ang daanan ng ihi o urethra o kaya ay ang kuwelyo ng matris sa babae. Kahit babae ay nagkakaroon talaga ng tulo. Sa lalaking may tulo, kakikitaan ito ng sintomas tulad ng lumalabas na nana sa ari nito, hirap at masakit na pagihi, tatlo hanggang anim na oras matapos makipagtalik sa impektadong kapartner. Sa babae namang may tulo, karaniwang asymptomatic at halos 80% ng babaeng may tulo ay walang sintomas o parang walang impeksiyon at bumibilang muna ng maraming buwan bago ito mapansin sa babae. Sila mismo ay hindi alam na may impeksiyon na sila sa katawan. Gayunman, mapapansin na may lumalabas minsan na medyo greenish-yellow discharge mula sa cervix at bukod ditto, puwedeng mag-complain ang pasyente ng pananakit ng katawan o paninigas ng kalamnan, matinding sakit n...