Alam ng karamihan sa atin na ang yoga ay nakatutulong sa paglaban sa stress, pagod at matinding sakit ng ulo. Bukod pa riyan, may paniniwala rin na ang yoga ay nakakatulong upang maging matalino ang isang tao.
Pero may ilan sa atin na hindi pa rin alam ang magandang dulot ng yoga. Ang ilan sa kanila, mali ang paniniwala tungkol rito tulad ng mga sumusunod
1. Maling paniwalaan na kailangan na sexy ka o payat ka para makapag-yoga. Pinaliwanag ni Vyda Bielkus, isang yoga instructor sa Boston's Health Yoga Life na isang alibi lang o excuse ang pagsasabing kailangan mo ngang maging ganun para makapag-yoga. Kahit pa hindi perpekto ang hubog ng iyong katawan ay matututunan mo pa rin ang mga teknik ng yoga at madali mo itong maisasagawa lalo't kung regular mo itong gagawin bilang isang mainam na ehersisyo. Sa maikling panahon, magugulat ka na lang na kaya mo na palang abutin ang iyong hinlalaki sa paa ng walang kahirap-hirap. Ang mahalaga lamang ay sumunod sa panuto ng instructor sa pamamagitan ng kanyang mga short courses at sessions.
2. Maling isipin na magastos na ehersisyo ang yoga. Sa katotohanan ay mas mura pa nga itong gawin kumpara sa ibang sports dahil wala gaanong equipment ang kailangan sa yoga. Maaari mo ring subukang humanap ng ka grupo para maka-avail ka ng monthly yoga package upang maka-diskwento. Kung maalam na sa yoga at tipong kaya mo ng gawin itong mag-isa na walang gabay ng instructor ay makakatipid ka pa dahil pwede mo na lang itong gawin sa loob ng iyong tahanan o sa isang tahimik na lugar.
3. Mali ring isipin na walang gaanong paggalaw sa yoga na pwede kang pagpawisan. Sa katunayan may mga ilang uri ng yoga na mainam sa ating cardiovascular at nervous system. Mayroong isang yoga na kung tawagin ay Vinyasa na nakakatulong itaas ang ating heart rate ng agaran. Mayroon ding yoga tulad ng Kundalini na mainam na gawin kung nais magpapawis ng husto.
4. Mali ring paniwalaan na nakakabagot ang yoga. Kung akala mong walang masyadong movement sa yoga ay nagkakamali ka. Mayroon kang matutunan na mga movements na makakatulong sa iyo na ma-enganyo sa pagyoyoga kasabay ng mga health benefits na hatid nito sa iyong katawan at pati na sa aspetong espiritwal.
5. Mali ring isipin na ang yoga ay para lang sa mga taong espiritwal dahil may mga yoga naman na pokus lang sa body movement imbes na sa spiritualisme.
Iyan ang ilan sa mga maling paniniwala sa yoga. Kaya kung nais mo talagang malaman ang mabuting hatid nito sa iyong kalusugan ay maiging subukan na ito para alamin kung anong kaya bang idulot nitong tulong sa iyong katawan at kaisipan.

Comments
Post a Comment