Tag-ulan na naman, kaya't uso na naman ang dengue. Ito ang mga tips at dapat gawin para makaiwas sa Dengue.
1. Palitan ang tubig sa flower vase minsan sa isang linggo.
2. Linisin ang mga alulod dahil maaari itong maipunan ng maduming tubig na pinaglalagian ng mga lamok.
3. Itabi ang mga bagay na maaaring maipunan ng tubig tulad ng bote, lata at tansan.
4. Alisin ang tubig sa pamingalan at sahuran ng tubig sa ilalim ng refrigerator.
5. Laging takpan ang mga balde at mga drum na pinag-iipunan ng tubig.
6. Magsuot ng damit na mahaba na magbibigay proteksyon sa inyong mga braso at binti.
7. Gumamit ng Citronella-based repellents.
8. Umiwas sa mga aktibidad sa labas lalo't sa hapon na maulan.
9. Huwag gumamit ng matatapang na amoy ng pabango.
10. Gumamit ng aerosol sa umaga para makaiwas sa kagat ng lamok.
Ito naman ang ilan sa mga sintomas ng dengue.
Kung makaranas ka ng mga ganitong sintomas ay mas makabubuting magtungo na agad sa iyong doktor o sa malapit na ospital upang mabigyan ka ng agarang lunas.
Iyan ang aming tips para makaiwas sa dengue. Share and like mga katoto.
Comments
Post a Comment