Skip to main content

Home-based ESL Teaching Jobs: Pwede Kang Kumita Ng Higit 30K Pesos kada Buwan

Sawa ka na ba sa call center? Nakakapagod na ba ang stress na dulot sa iyo ng gabi-gabing sermon sa iyo ng mga nangigilaiting customer? O isa ka bang guro na naliliitan sa iyong sahod at naghahanap ng part-time teaching job? O di kaya nama'y isang college student na kinakailangan ng pera upang matustusan ang iyong pag-aaral? 

Bakit di mo subukan ang ibang karera. Kung magaling ka naman sa English, pwedeng-pwede kang maging isang Home-based ESL teacher. 

Alam mo bang pwede kang kumita ng higit kumulang 30,000 pesos o higit pa kada buwan kahit nasa bahay ka lang? Walang halong pambobola, basta magaling ka sa salitang ingles at may abilidad kang magturo online ay pwede mong subukan ang home-based teaching jobs. 

Ang Home-based teaching jobs ay matagal ng uri ng trabaho sa ating bansa. Marami nang kumpanya noon pa man na nag-ha-hire ng mga English teachers para magturo sa ibang lahi tulad ng mga Koreano, Hapon at Instik. 

Maganda sa trabahong ito ay hawak mo ang iyong oras. Maaari kang magturo sa umaga, sa hapon o sa gabi depende kung anong availability mo. Wala ring masyadong stress sa mga makakausap mo dahil malaki ang paggalang ng ibang lahi tulad ng mga nabanggit sa mga guro lalo na't sa mga foreign teacher na bihasa sa pagsasalita ng English. Bukod pa riyan, hindi mo na kailanganin pang umalis ng iyong bahay at danasin ang araw-araw na trapik dahil lahat ng iyong trabaho ay sisimulan mo't tatapusin mo sa apat na sulok ng iyong tahanan. 

Tama ang iyong nabasa, ang isang masipag na home-based ESL teacher ay kumikita ng higit sa 30,000 kada buwan at sa maniwal ka't hindi kung todo ang sipag mo ay pwede mong kitain ito ng doble. 

Maganda rito, nakikita mo ang galaw ng iyong kita. Real-time kasi ang pagbibilang ng iyong earnings. Makikita mo agad kung magkano na ang iyong kinita bawat estudyanteng naturuan mo. 

Nakakagiliw ang magturo sa mga foreigners. Para ka lang nilang kaibigan na handang makinig sa iyo at matuto sa kakayahan mong isaayos o iaangat ang kanilang English level. 

Pero sa ganitong uri ng trabaho ay syempre may kailangan kang pakatandaan. Ito ang ilan sa mga iyon:

1. Una, hindi ka empleyado ng kompanya. Kung mapalad kang matanggap sa ganitong uri ng trabaho , ikaw ay ituturing na freelancer o service provider. Ibig sabihin, ikaw na ang bahala sa pagpoproseso ng sarili mong health insurance, sss, pag-ibig at iba pa. Pati na rin ang pagbabayad ng sarili mong taxes.

2. Wala kang masyadong kaibigan na makakasama mo sa araw-araw mong pagtatrabaho dahil nasa bahay ka nga lang. Kaya't kung ikaw yung tipong mahilig sa gimikan, panigurado may mga oras na maaari kang mabugnot. Pero kung ikaw naman yung kabaliktaran, tiyak mas marami kang maiipon kasi wala kang barkadang iisipin na pakisamahan.

3. Kailangan na may disiplina ka sa katawan. Dahil wala kang boss na sisita sa iyo sa oras ng trabaho, ikaw na mismo ang umiwas sa mga temptasyon ng pagsasawalang bahala sa oras ng trabaho. Tulad ng pag-iwas sa facebook habang nagtuturo, panonood ng T.V, paghilata sa kama at iba pa. Disiplina ang kailangan mo para hindi ka maging pala-absent at laging nahuhuli sa oras ng klase. 

Pero saan ka nga ba dapat mag-apply bilang isang Home-based teacher? Sa dami ng mga naglipanang mga Online ESL company dito sa ating bansa ay kinakailangan na isaalang-alang mo ang mga sumusunod:

1. Reputasyon. Dapat mong alamin kung may magandang reputasyon ba ang kompanyang ito sa ganitong larangan. Ilang taon na ba ang kompanya? Saan nakabase? May kaukulang permit ba? Kilala ba? Yan ang dapat na pagtuunan mo ng pansin.

2. Sapat ba ang sahod para sa iyong kakayahanan sa pagtuturo. Kung sa tingin mo ay tama o higit pa ang pasahod ng kompanya, ay isang malaking indikasyon ito na maganda ang kompanyang napili mo.

3. Nagbibigay ba ng incentives ang kompanya? Maliit na bagay pero maaari din itong ikonsidera dahil pinapakita lang na ang kompanyang iyong papasukan ay nagpapahalaga sa kanilang mga home-based teachers. 

Isa ang 51Talk company sa listahan ng mga lehitimo at rehistradong kompanya na nagbibigay oportunidad sa marami na maging kanilang home-based ESL teacher. Malayong-malayo ang kompanyang ito sa iba dahil kalidad ang serbisyong hatid nito sa kanilang mga guro at pati na rin sa kanilang mga estudyante.



Mabilis din ang pasahod sa 51Talk at kilala ang kompanya sa mga beterano na sa home-based teaching jobs na mabilis at garantisadong nagpapasahod ng tama at nasa oras. 

May mga ilang requirements lamang ang kompanya para sa mga aplikante:


1. At least college level, undergrad/grad/ with/without experience
2. Naka Lan cable ang iyong internet sa bahay na may bilis na 3 mbps pataas
3. May mabilis na laptop o computer na may webcam.
 
Napakabilis din ng hiring process ng kompanyang 51talk. Kung mag-apply ka ngayon, maaari kang makatanggap na ng phone interview kinabukasan. Kung makapasa ay isasalang ka sa training at kapag napasa mo ang teaching demo ay maaari ka ng makapagsimula isang lingo matapos kang matanggap sa kompanyang ito. 

Sa mga interesadong mag-apply, maaari mong i-email ang iyong resume sa tipsnikatoto@gmail.com upang maipahatid namin sa 51talk ang interes mong maging isang home-based teacher. 

Kung may katanungan pa, maaari mo kaming kontakin katoto sa aming fanpage

Comments

Popular posts from this blog

Pamahiin Tungkol Sa Kasal (WEDDING SUPERSTITION)

Punumpuno ng mga superstitious beliefs ang mga pinoy tungkol sa kasal (wedding). Kahit na moderno ang panahon ngayon, marami pa rin ang naniniwala sa mga pamahiin wala man itong lohikal na paliwanag o syentipikong eksplanasyon. Nandun pa rin kasi sa atin 'yung pag-uugali na wala namang masama kung maniniwala kaya kahit ipagpilitan pa ng iyong lolo na ito ay coincident lamang, hindi pa rin ito mawala-wala. Magkagayunpaman, hindi mahalaga ang mga ito. Ang mahalaga ay punumpuno ng pagmamahalaan ang mag-asawa, nagtitiwala at may commitment sa isa't-isa at ang kanilang paniniwala sa basbas ng Diyos na sila ay pinagsama upang maging maligaya habambuhay. Anu't-anuman, narito ang ilang paniniwala na sinusunod magpahanggang ngayon at mga hindi na dahil ang iba ay wala na sa hulog. Hindi dapat na isinusukat ng bride ang kanyang wedding dress bago ang kasal dahil baka hindi ito matuloy.  Ang kutsilyo o iba pang mga matutulis na bagay ay hindi dapat na ipinanreregalo sa ikakas...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Tips Kung Paano Gamitin Ang Oregano Bilang Gamot

Ang Oregano na may scientific name na Coleus Aromaticus ay isang halamang gamot. Ito ay may matapang na amoy, mabango at malambot ang mga sanga. May pagkahugis puso ang hitsura nito na may haba na 2-3 pulgada. Bukod sa ginagamit ito bilang lunas sa mga karamdaman gaya ng ubo at sipon, ang Oregano ay sangkap din sa ilang mga lutuin bilang pampalasa. Mga Benipisyo Ng Oregano: Nakapagbibigay ginhawa ito kung ikaw ay may ubo, sipon o lagnat. Mabuti rin itong lunas kung ikaw ay may sore throat. Lunas din ito kung ikaw ay may UTI  Maigi rin ito kung ikaw ay may stomachache Nakakagamot rin ito ng mga pigsa  Tips Kung Paano Gamitin Ang Oregano: Ilaga ang sariwang dahon ng Oregano sa tatlong tasa ng tubig. Mga 10-15 minutos. Kung ikaw may ubo o sipon, maiging uminom ng isang tasa nito 3 beses sa isang araw.  Kung malala ang iyong ubo. Gawing mas matapang ang paghahanda ng Oregano sa pamamagitan ng pagpiga sa dahon nito at inumin ang isang kutsaritang k...