Paano nga ba malaman kung na-one-side love ka? Handa ka ba sa mababasa mo? Kung hindi pa, okay lang. Kung kaya mo pang gawing tanga ang sarili ,oks lang yan. Masaya ka pa naman eh. Pero kung hindi na, o siya, mabuti pang masiguro mong talagang ikaw lang ang nagmamahal sa taong akala mo ay mahal ka.
IKAW PALAGI ANG UNA
Hindi dahil no. 1 ka sa puso nya, ang ibig kong sabihin, ikaw ang palaging unang mag te text, ikaw palagi ang unang maglalambing, ikaw palagi ang unang susuyo, ikaw palagi ang unang mag so-sori kahit mali pa niya. In short, ikaw nga lahat.
Pinapatakbo mo ang relasyon na ikaw lagi ang kailangang gumawa ng hakbang para lang hindi siya mawala sa iyo. Aligaga kang asikasuhin ang mga kailangan niya, ibili siya ng mga pangangailangan niya, surpresahin siya sa mga hilig niya at kung ano pang pwede mong magawa para lang masabi mong mahal mo siya kahit na wala ka namang naririnig na I love you too. O siya sige, minsan may I love you, pero aminin, ramdam mong labas sa ilong ang ang reply. Kumbaga, walang anghang, kumbaga, bakit ganon?
LAGING GIVE WALANG TAKE
Ay naloko na, pag naranasan mo yan, alis na sa relasyon na iyan. Uubusin lang niyan ang kabuhayan mo. Hindi man pera o luho, basta't kapag napansin mong panay ka lang bigay, bigay, bigay at puro lang siya take, take, take, TAKTE! Baliw ka na nga sa one sided love!
Dahil kahit i-google mo pa, formula na sa tunay na relasyon ang give and take. Kailangang pareho kayong nagbibigayan. Sa lahat ng bagay. As in lahat.
KAIBIGAN MUNA BAGO IKAW
Sakit niyan. 'Yung kahit birthday mo, di siya pupunta dahil may laro sila ng mga kabarkada. Ang malala, yung tipong monthsary ninyo pero mas naalala niya pa ang pustahan nila ng mga barkada niya sa DOTA o Basketball.
Sa mas seryosong sitwasyon pa, yung tipong may sakit ka na pero si bestfriend pa rin ang mauuna niyang kamustahin kaysa sa iyo.
Wag nang magpakamanhid. Walang kaduda-duda, one sided love yan.
WALA SIYANG PAKI SA PROBLEMA MO
Ito pa ang malala. Yung tipong nanlalamig ka na sa relasyon pero wala lang sa kanya. Yung pakiramdam na kahit mawala ka sa buhay niya, ayos lang, kasi nga di ka niya mahal. Wala siyang paki kung magalit ka pa sa kanya. Mas hihintayin niya na mag-sori ka. Pero alam mong mas masakit, 'yung pakiramdam na sabihan ka niyang tama na,ayaw niya na, kahit maliit na bagay lang naman ang pinagtalunan ninyo.
DI KA NIYA MAIPAGMALAKI
Buti ka pa nga, feel proud kang magpo-post ng mga litrato ninyo sa facebook. Pero siya, ni ilagay sa facebook status niya na "in a relationship" na siya, hindi niya magawa. Tama nga ang pagdududa mo. Hindi ito kababawan. Dahil kung hindi niya maipakita sa mga simpleng bagay na kaya ka niyang ipagmalaki, paano pa kaya sa mga magulang niya.
Pero bakit ka nga ba napasok sa ganyang uri ng relasyon. Ito ang prangkang listahan kung bakit ka nariyan sa estatadong yan:
1. Pinilit mo lang siyang makipagrelasyon sa iyo.
2. May ex siya na mahal niya pa pero nakipag-relasyon lang siya sa iyo para makalimot. At di mo alam yun o pedeng alam mo pero tinangap mo na lang kasi feeling mo kaya mong baguhin ang pakiramdam niya.
3. Maaaring nung una mahal ka niya, pero tangapin mo, minsan may mga taong hindi kayang pumirmi sa isang relasyon.
O ano, confirm na ba? Kung nararanasan mo yan, okay nang mag let go. Kaysa araw-araw kang inuubos ng stress at dismaya. Kasi pag ito na ang pakiramdam mo, hindi na yan love. Katangahan na 'yan. Kinokonsinte mo na ang sarili mo at pinaniniwala sa milagro. Iha, iho, walang pilitan. Katotohanan yan dahil nangyayari talaga na kung minsan mahal mo lang dahil mahal mo siya hindi dahil mahal ka niya. One sided-love lang talaga.
Comments
Post a Comment