Ito ang mga dapat na ikonsidera bago ka bumili ng laptop.
Marami sa atin ang nagtatanong kung anong laptop ba ang dapat na bilhin nila. At ang kadalasan nating sagot ay depende iyon sa kanilang gusto. May iba't-ibang uri kasi ng laptop, iba't-iba ang kategorya at specification, iba't-iba rin ang mga brand at presyo. Magkagayon pwede naman natin silang payuhan kung ano ang mga bagay na dapat isipin muna sa pagbili ng laptop. Ito ang sampu sa mga iyon:
1. Kung mahalaga sa iyo ang portability, maaring ikonsidera ang notebook na maliit lamang ang screen at magaang dalhin. Kung may budget ka, pwede mong subukan ang mga ultrabook dahil ang mga ito ay dinisenyo na maliit at magaan. Bukod pa riya, pwede kang maghanap ng laptop na may sukat na 12.5 hanggang 13.3 inches at gaan na mayroong 1 - 1.5 kg.
2. Halos araw-araw nakatutok ang iyong mga mata sa screen ng iyong laptop. Kaya't mahalagang ikonsidera din ito dahil kailangan na komportable ang mata mo sa paggamit ng iyong laptop. Marami sa mga laptop ngayon ay touchscreen na, kaya't glossy na ang mga ito na hindi kagandahan sa mata dahil sa mga repleksyon na tumatama sa screen lalo't kung maliwanag. Mahalaga din ang resolution ng screen. Ikonsidera ang pagiging full HD ( 1920X1080 pixel resolution) kung nais mo ng maraming espasyo at makita ng buo ang Windows. Ang laptop screen na naka IPS (in plane switching) technology ay komportable sa mata dahil nakapagbibigay ito ng wide viewing na angulo. Mas maigi na bumili ka sa isang local store para makita mo mismo ang screen ng bibilhin mong laptop pero kung desidido ka na sa online bumili ay mahalagang basahin mo muna ang mga review tungkol sa bibilhin mong laptop.
3. Para sa mahabang typing session, dapat na komportable ang keyboard ng laptop mo. Hwag kang bibili ng mga laptop na halos dikit-dikit na ang mga keys kasi mahirap magtype sa ganung keyboard. I-check mo ang mga agwat ng keys dahil mas komportableng gamitin ito pag may tamang espasyo ang mga letra at numero sa keyboard. Mahalaga din na may back-lit ang keyboard para hindi mahirap mag-type kapag madilim ang paligid mo.
4. CPU. Para sa multitasking at gamit ng multimedia, ikonsidera ang pagbili ng mga laptop na naka-Core i3, i5, i7. Ang Core i3 ay kadalasang makikita sa mga entry-level na laptops, at Core i5 naman para sa mga mainstream laptops. Core i7 naman ay rekomendado para sa pinakamaganda at solid na performance ng laptop. Yun nga lang madali itong mag-init kaya't di komportableng ipatong ang ganitong uri sa iyong binti.
5. Kailangan mo ng 4 gb ng RAM o mas mataas pa dahil mas magiging smooth ang takbo ng iba't-ibang application kahit sabay sabay pa itong nakabukas.
6. Mas mabilis at solid ang SSD ( solid state drive) kaysa sa Hard drive. Hindi pa bulky ang mga laptop na naka SSD. Yun nga lang may dalawang GB ka lang na pagpipilian, 128 GB o 256 GB. Mahal ang huli kaya't kung ito ang una mong bagong laptop piliin mo na lang yung una. Mabilis na rin ito sa pag-load ng mga program, sa pag-access ng data, at sa pagboot ng iyong system.
7. I-check mo ang rating ng battery in Watt hours (Wh) o milliamp hours (mAh). Mas mataas ang figure mas mahaba ang kapasidad ng baterya. Halimbawa, ang isang 13.3 inches na Ultrabook ay battery rating na 44 Wh hanggang 50 Wh, maganda na itong gamitin kahit pa sabay sabay ang application na nakabukas, hindi agad ma-de-drain ang baterya.
8. Hanapin mo ang laptop na may dual-band router na 5 GHz network. Kaya kasi nitong mag-perform ng mabilis at ihiwalay ang iyong laptop sa ibang device na naka 2.4 GHz network. Para sa ilang na nagnanais ng mabilis na networking, hanapin ang laptop na naka 802.11 ac wireless adapter na kayang gumalaw ng mabilis gamit ang bagong 802.11ac router na mabibili na sa merkado. Ang ganitong uri ay makapagbibigay ng speed na hihigit pa sa 30 mbps na mainam kung palagian kang nagta-transfer ng video.
9. Huwag mo ring kalimutan ang kalidad ng bluetooth lalo't magagamit ito sa mga Hi-Fi system.
10. Huwag kang bibili ng laptop na walang USB 3.0 port. Mahalaga ito kasi madalas nating i-plug in ang ating external hard drive pang back up o kaya naman kapag mag-pa-plug-in ka ng mouse at keyboard.
At syempre pa, mahalagang isa-alang-alang ang budget at pangangailangan. Bihira ang laptop na halos lahat ng mga nabanggit ay mayroon. Ang mahalaga naman sa lahat ay magamit mo ang laptop mo ng mainam sa iyong trabaho o negosyo o pang-libangan.
Ikaw, mayroon ka bang tips sa pagbili ng laptop. I-share mo sa amin katoto, mag-iwan lamang ng komento sa post na ito.
Comments
Post a Comment