Skip to main content

PAGIBIG House Loan: Murang Pabahay Sa Cavite Paano Ba?

Sa loob ng tahanan binubuo mo ang iyong pangarap at ang pangarap mong magkaroon ng sarili mong bahay ang isa sa mga iyon. Pero madali nga bang proseso ang magkabahay gamit ang PAGIBIG house loan? Yan ang tanong ng marami sa atin.

Hindi naman mahirap na proseso ang magkabahay gamit ang PAGIBIG membership. Ngunit mas maigi na habang nasa edad 25-30 ka ay magsimula ka nang mag-invest para sa sarili mong bahay.

Ilan sa mga dapat na ikonsidera bago magpasyang magkabahay ay ang mga sumusunod:

1. Kaya ba ng bulsa. Ang iyong sahod buwan buwan ay ang magiging basehan ng PAGIBIG kung kaya mo bang bigyang budget ang iyong house loan. Depende sa laki ng sahod at sa laki ng membership contribution ay kinakalkula ng PAGIBIG kung  magkanong halaga ba ng bahay ang kaya nilang  i-aprub para sa iyo. Halimbawa lamang, kung kumikita ka ng 14,000 K a month at may contribution kang nasa halagang 360 a month ay kaya mong magkabahay ng halagang higit kumulang 500 K.

2. Lokasyon. Ang bahay ba na iyong kukunin ay malapit sa iyong trabaho o ang pangarap mo bang bahay ay nasa tahimik na komunidad. Mahalaga na isipin ang lokasyon na malapit sa transportasyon at mahahalagang establishments tulad ng ospital, eskwela, mall at iba pa.

3. Uri ng Bahay. Iniisip mo bang magkaroon ng sarili mong pamilya sa hinaharap? Maiging ikonsidera ang laki ng bahay. Kung may pamilya ka na, mahalagang isipin na kumuha ng bahay na magiging komportable ang iyong mga anak at asawa. Kung wala ka namang asawa at wala ka namang balak na magkaroon, tama lang ang bahay na may isa hanggang dalawang kwarto.

Pero paano nga ba ang proseso:

1. Mahalagang kumuha ng mapagkakatiwalaang ahente o broker. Sila sa simula ang mag-aayos ng iyong mga sinumiteng requirements para makapagpa-reserve ka. Dapat na maalam ang ahente mo kung paano ba ang proseso sa pagpapa-aprub sa PAGIBIG.

2. Ito lang naman ang mahahalagang dokumento na meron kang handa: Employees Statement of Accumulated Value(ESAV), COE, Latest Payslip at ITR para sa employed, Latest ITR at business permits para sa self-employed, Dalawang Valid ID  ( government at company ID) at ID pictures. Kung OFW, ihanda rin ang kopya ng iyong job contract.

3. Kung makapili ka na ng bahay. Ipagbigay alam sa iyong ahente para masamahan kang makapag pa reserve. Kailangan mong dalhin ang mga dokumento sa opisina ng developer pati na ang pera pambayad ng reservation.

4. Pagkatapos nito ay kailangan mong magbukas ng checking account sa banko dahil doon nila kukunin ang iyong hulog buwan buwan.

5. Ang iyong mga requirements ay isusumite ng developer sa PAGIBIG. Kaya't habang naghuhulog ka para sa downpayment o equity ng bahay ay pinoproseso naman ang approval ng take-out ng iyong bahay sa PAGIBIG.

Kung kumpleto naman ang iyong mga requirements, lehitimo ang iyong trabaho at walang putol ang iyong contribution sa PAGIBIG, walang dahilan para i-deny ang LOAN mo.

Ganyan lamang kadali. Isipin mo na ang bahay ay isang basic necessity. Ito ay dapat na pinaghahandaan at pinagpaplanuhan.

Kung handa ka na para magkabahay. Maaari kang bumisita sa blog na ito upang makita mo ang mga pabahay na handog ng PAGIBIG. Kung nais mong makita ang mga murang pabahay sa Cavite ay magpa-schedule lamang ng free tripping sa amin. I-email ang iyong contact number sa tipsnikatoto@gmail.com.

Mga Murang Pabahay as of June 24, 2016 ( list to be updated from time to time)


Wellington Residences



Wellington Residences 
Location: Governor Remulla Drive Brgy. Tres Cruses Tanza, Cavite
Reservation Fee: as low as 5,000 pesos
Monthly: 5700

Natania Home
Location: Trese, Cavite
Reservation Fee: 5K
Monthly: 4,500

Wellington Place
Location: Gen. Trias
Reservation Fee: as low as 5,000 pesos
Monthly: 2,600

Jade Residences
Location: Imus, Cavite
Reservation Fee: as low as 5,00 pesos
Monthly: 5,700

Nastalji
Location: Dasma
Reservation Fee: 15 K
Monthly: as low as 12K

Lancaster
Location: Alapan
Reservation Fee: 10K
Monthly: as low as 14K

Urban Deca Homes Condo
Location: Buhay na Tubig Cavite
Reservation: 10K
No Equity PROMO*
Monthly: 6K

*** list to be updated from time to time ****

Maaring bumisita sa fanpage ng Murang Pabahay sa Cavite para sa iba pang impormasyon at free tripping schedule.

Comments

Popular posts from this blog

Pamahiin Tungkol Sa Kasal (WEDDING SUPERSTITION)

Punumpuno ng mga superstitious beliefs ang mga pinoy tungkol sa kasal (wedding). Kahit na moderno ang panahon ngayon, marami pa rin ang naniniwala sa mga pamahiin wala man itong lohikal na paliwanag o syentipikong eksplanasyon. Nandun pa rin kasi sa atin 'yung pag-uugali na wala namang masama kung maniniwala kaya kahit ipagpilitan pa ng iyong lolo na ito ay coincident lamang, hindi pa rin ito mawala-wala. Magkagayunpaman, hindi mahalaga ang mga ito. Ang mahalaga ay punumpuno ng pagmamahalaan ang mag-asawa, nagtitiwala at may commitment sa isa't-isa at ang kanilang paniniwala sa basbas ng Diyos na sila ay pinagsama upang maging maligaya habambuhay. Anu't-anuman, narito ang ilang paniniwala na sinusunod magpahanggang ngayon at mga hindi na dahil ang iba ay wala na sa hulog. Hindi dapat na isinusukat ng bride ang kanyang wedding dress bago ang kasal dahil baka hindi ito matuloy.  Ang kutsilyo o iba pang mga matutulis na bagay ay hindi dapat na ipinanreregalo sa ikakas...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Tips Kung Paano Gamitin Ang Oregano Bilang Gamot

Ang Oregano na may scientific name na Coleus Aromaticus ay isang halamang gamot. Ito ay may matapang na amoy, mabango at malambot ang mga sanga. May pagkahugis puso ang hitsura nito na may haba na 2-3 pulgada. Bukod sa ginagamit ito bilang lunas sa mga karamdaman gaya ng ubo at sipon, ang Oregano ay sangkap din sa ilang mga lutuin bilang pampalasa. Mga Benipisyo Ng Oregano: Nakapagbibigay ginhawa ito kung ikaw ay may ubo, sipon o lagnat. Mabuti rin itong lunas kung ikaw ay may sore throat. Lunas din ito kung ikaw ay may UTI  Maigi rin ito kung ikaw ay may stomachache Nakakagamot rin ito ng mga pigsa  Tips Kung Paano Gamitin Ang Oregano: Ilaga ang sariwang dahon ng Oregano sa tatlong tasa ng tubig. Mga 10-15 minutos. Kung ikaw may ubo o sipon, maiging uminom ng isang tasa nito 3 beses sa isang araw.  Kung malala ang iyong ubo. Gawing mas matapang ang paghahanda ng Oregano sa pamamagitan ng pagpiga sa dahon nito at inumin ang isang kutsaritang k...