Para sa mga ginang na naghahanap ng pagkakakitaan. Subukan ang negosyo na pagbebenta ng dishwashing liquid, fabricon, detergent at iba pang uri ng sabong panlinis.
Sa murang puhunan ay maaari ka nang makapagsimula. Hindi mahirap simulan ito para sa mga ginang na likas na magiliw sa pagbebenta.
Patok na negosyo ito kung marami kang kilalang kapitbahay o kaibigan na pwede mong pagbentahan. Mas mapapadali naman ang pagbebenta kung may sarili kang pwesto kahit maliit lamang.
Paano Ba Magsimula?
Una na, mahalaga sa negosyong ito ay ang pagkukunan ng may kalidad na produkto na may murang wholesale price. Kumontak ng supplier na malapit sa iyo o madali mong pagkukunan ng supply.
Halimbawa, kung nasa Cavite area ka, maaari mong i-email ang iyong contact number sa tipsnikatoto@gmail.com para maipaabot namin sa supplier dito sa Cavite ang iyong interes sa ganitong negosyo.
Ang order ay pwedeng i-pick up sa store o i-deliver sa aming piling pick up points ( Malls within Imus, Dasma, Bacoor Area ). Maaari namang ipa-LBC para sa mga malalayong lugar sa mga may nais.
At ikalawa, pumili ng pwesto na malapit sa restaurant, paaralan, palengke o sa mga matataong lugar na sa tingin mo ay may higit na pangangailangan sa mga ganitong uri ng produkto.
Sa puhunan na mababa pa sa 3,000 pesos ay makakapagsimula ka na ng ganitong negosyo.
Ito ang listahan ng wholesale price* ( orders 12 pieces above ) ng mga sumusunod:
Dishwashing Liquid - 15 pesos to 50 pesos
Fabricon - 50 pesos
Toilet bowl cleaner - 50 pesos
Detergent ( Tide, Breeze and Ariel Scent ) - 10 to 50 pesos
*maaaring magbago ang presyo nang walang paunang abiso
Para sa kumpletong impormasyon. maaari mo kaming makontak sa aming fanpage upang maipagbigay alam namin sa supplier ang iyong interes na simulan ang dishwashing liquid business mo.
Comments
Post a Comment