Isa ang Aloe Vera sa mga halamang gamot na may hatid na benepisyo sa ating kalusugan. Hindi lingid sa ating kaalaman na madalas nating gamitin ito upang kumintab o palaguin ang ating buhok pati na rin ang lunasan ang iba't ibang problema sa ating balat. Pero alam ninyo bang hindi lamang ang mga ito ang mga mabuting benepisyong makukuha sa Aloe Vera? Ito ang ilan sa mga iyon:
1. Paglilinis ng ating kamay. Importante sa atin na malinis ang ating kamay at malaking tulong ang aloe vera para rito. Maaari kang gumawa ng isang mixture mula sa mga pinaghalong aloe vera gel ( half cup), alcohol ( half cup), at ilang patak ng iyong paboritong essential oil. Ang mixture na ito ay hindi upang luminis lang ang iyong kamay, makakatulong din ito upang maging malambot at mabango ang mga ito.
2. Mas mainam na gumamit ng aloe vera bilang isang shaving gel. Opo, mayroon kasing anti-inflammatory properties ang aloe vera kumpara sa mga shaving gel na nabibili sa market na puno ng mga kemikal. At hindi lamang iyan, makakatulong din ang aloe vera para i-moisturize ang ating balat.
3. Isang magandang mouthwash din ang aloe vera. Makakatulong ito upang tumibay ang ating ngipin, makaiwas sa tooth decay at makaiwas sa pagkakaroon ng bad breath.
4. Ang aloe vera ay mabuti rin sa tiyan. Mayroon kasi itong mga natural compounds tulad ng aloin, aloe-emodin, at barbaloin, na nakakatulong upang panatilihin ang tamang galaw ng ating small intestine. Ang pag-inom ng aloe vera juice ay nakakatulong sa atin na makaiwas sa mga sakit sa tiyan tulad ng acid reflux, bloating, indigestion at iba pa.
5. May mabuting benepisyo din ang aloe vera para sa mga may asthma. Maaari mong ihalo sa water vapor na iyong sinisinghot ang aloe vera gel. Ang anti-inflammatory compounds ng aloe vera ay nakatutulong upang mabawasan ang inflammation at pati na ang produksyon ng mucus.
Para sa mas mabuting resulta gumamit lamang ng aloe vera na sariwa at natural.

Comments
Post a Comment