Skip to main content

Pakwan: Prutas Na Gamot Sa Chicken Pox

Mainam na kumaen ng pakwan kung ikaw ay may bulutong o chicken pox. Nakakapagpalakas kasi ng ating immune system ang katas nito at pinapalamig din nito ang temperatura ng isang taong may chicken pox. Ang pag-inom ng sariwang watermelon juice kapag ikaw ay infected ng varizella-zoster virus (VZV) ay mabuti sa iyong katawan para mabilis na mamatay ang impeksyon.

Tandaan na ang bulutong ay walang pinipiling edad. Mas madali namang dapuan ng sakit na ito ang mga bata dahil mahina ang kanilang immunity sa sakit. Pati na rin ang mga buntis ay madaling mahawaan ng sakit na ito.

Pero bakit nga ba ang pakwan ay maaring matawag na prutas na gamot sa chicken pox? Ito ang mga dahilan:

1. Ang pakwan ay nagpapalakas ng immune system ng mga taong may bulutong. Ang enerhiya na nakukuha sa nutrients nito ay maigi para lumakas kahit papaano ang taong may bulutong.

2. Ang katas ng pakwan ay mayroong anti-bacterial content na pumupuksa sa mabilis na pagkalat ng virus sa katawan ng may bulutong.

3. Kapag ang isang tao ay may ganitong uri ng virus sa katawan, tiyak na mataas ang kanyang lagnat lalo't sa simula kaya mainam ang pagkaen ng pakwan para bumaba ang lagnat at lumamig ang pakiramdam ng taong may bulutong.

4. At ang regular na pag-inom ng watermelon juice ay nakakatulong sa balat upang di gaanong magmarka ang mga peklat na sanhi ng bulutong.

Iyan ang pakwan, ang prutas na gamot sa chicken pox.

Comments

Popular posts from this blog

Pamahiin Tungkol Sa Kasal (WEDDING SUPERSTITION)

Punumpuno ng mga superstitious beliefs ang mga pinoy tungkol sa kasal (wedding). Kahit na moderno ang panahon ngayon, marami pa rin ang naniniwala sa mga pamahiin wala man itong lohikal na paliwanag o syentipikong eksplanasyon. Nandun pa rin kasi sa atin 'yung pag-uugali na wala namang masama kung maniniwala kaya kahit ipagpilitan pa ng iyong lolo na ito ay coincident lamang, hindi pa rin ito mawala-wala. Magkagayunpaman, hindi mahalaga ang mga ito. Ang mahalaga ay punumpuno ng pagmamahalaan ang mag-asawa, nagtitiwala at may commitment sa isa't-isa at ang kanilang paniniwala sa basbas ng Diyos na sila ay pinagsama upang maging maligaya habambuhay. Anu't-anuman, narito ang ilang paniniwala na sinusunod magpahanggang ngayon at mga hindi na dahil ang iba ay wala na sa hulog. Hindi dapat na isinusukat ng bride ang kanyang wedding dress bago ang kasal dahil baka hindi ito matuloy.  Ang kutsilyo o iba pang mga matutulis na bagay ay hindi dapat na ipinanreregalo sa ikakas...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Tips Kung Paano Gamitin Ang Oregano Bilang Gamot

Ang Oregano na may scientific name na Coleus Aromaticus ay isang halamang gamot. Ito ay may matapang na amoy, mabango at malambot ang mga sanga. May pagkahugis puso ang hitsura nito na may haba na 2-3 pulgada. Bukod sa ginagamit ito bilang lunas sa mga karamdaman gaya ng ubo at sipon, ang Oregano ay sangkap din sa ilang mga lutuin bilang pampalasa. Mga Benipisyo Ng Oregano: Nakapagbibigay ginhawa ito kung ikaw ay may ubo, sipon o lagnat. Mabuti rin itong lunas kung ikaw ay may sore throat. Lunas din ito kung ikaw ay may UTI  Maigi rin ito kung ikaw ay may stomachache Nakakagamot rin ito ng mga pigsa  Tips Kung Paano Gamitin Ang Oregano: Ilaga ang sariwang dahon ng Oregano sa tatlong tasa ng tubig. Mga 10-15 minutos. Kung ikaw may ubo o sipon, maiging uminom ng isang tasa nito 3 beses sa isang araw.  Kung malala ang iyong ubo. Gawing mas matapang ang paghahanda ng Oregano sa pamamagitan ng pagpiga sa dahon nito at inumin ang isang kutsaritang k...