Skip to main content

Paano Simulan Ang Piso Print Business?

Isa sa mga matagumpay na negosyo ang Piso Print. Kaya naman marami sa atin ang nahihikayat simulan ang ganitong negosyo. Pero paano nga ba simulan ito? Ano ang kailangang gawin? Saan makakabili ng mga kinakailangang supply? Magkano ang puhunan? At higit sa lahat, magkano ang pwedeng kitain.


Paano Simulan

Una sa lahat, dapat pakatandaan na ang pagnenegosyo ay kinakailangan ng dedikasyon at talento. Mahalagang may kaunti ka na ring kaalaman bago mo pasukin ito. Pero di rin naman hadlang ang kakulangan sa ideya para gawin ito. Kung hilig mo o gusto mo o handa kang matuto ay maaari kang maging matagumpay sa Piso Print.

Ilan sa mga dapat mong aralin ay ang paggamit ng Adobe Photoshop MS office, at iba pang software na mahalagang ginagamit sa Piso Print. Kinakailangan mo rin lagyan ng Piso Print Action ang iyong adobe Photoshop. I-email ang tipsnikatoto@gmail.com para makabili nito.

Pangalawa, bumili ng mga printer na may kalidad. Rekomendado namin ang epson printers, partikular na ang L120 at T60 (CISS ready). Ang estimate na puhunan mo para dito ay 5000 to 12 k pesos, depende kung anong model ng printer ang napili mo.

Pangatlo, pumili ng magandang klase ng bondpaper pero nasa murang halaga. Ang isang hard copy (short bond paper) ay nagkakahalaga lamang ng 120 pesos per 500 pcs.

At Pang-apat, bukod sa bondpapers, mamuhunan ka rin sa mga photo papers para makapag- offer ka din ng rush id photo at iba pang uri ng photo printing. Ang estimate na puhunan para dito ay 70-100 pesos per 20 pcs ng A4 size photo paper.

Pero saan nga ba makakabili ng mga murang supply? Magtungo sa ojon mall na matatagpuan sa Doroteo Jose, Manila. Sumakay ng LRT para mabilis na matunton ito. Doon mo makikita ang mga murang printer at mga papel na kakailanganin mo sa iyong Piso Print business. Matutong magcanvass doon bago bumili para makamura ka. Kilalaning maigi ang iyong supplier para maka diskwento ka sa susunod mong pagbili roon.

Magkano ang pasimulang puhunan?

Kung maliliit lamang ang iyong pwesto at may maliit na perang mailalaan dito. Maaari mo itong simulan sa pagbili ng epson l120 na halagang 5 k, 20 packs ng a4 photo paper na nagkakahalaga ng 1000 pesos, 1 pack ng 500 pcs ng hardcopy bondpaper na nagkakahalaga ng 120 pesos. Suma total, maaari ka ng makapagsimula sa puhunang hindi hihigit ng 10,000 pesos.

Magkano ang tutubuin?

Sa totoo lang, tubong lugaw ang Piso Print. Kung susuriin mong maigi, ang 500 pcs na bondpaper ay 120 pesos lamang sa puhunan, magkagayon pwede kang tumubo ng 380 pesos per 500 pieces kung ibebenta mo ito ng Piso per print. At higit pa riyan kung ibebenta mo ng 5 pesos per print ang may kulay na print.

Kita Sa Isang Buwan ( bondpaper print, black and white, 1 peso each print )

500 pieces bondpaper * 1 * 30 days = 15,000 - 3,600 puhunan = 11,400 TUBO!

Mga Maaaring Gastos

Pwesto kasama kuryente at tubig - 2,000 pesos
Printer Maintenance - 500 pesos

Estimated Net: 8,900 pesos!

Iba Pang Serbisyo ng Piso Print:

Typing Job - 20 pesos
Photo Print - 4 to 20 pesos
Research - 5 to 20 pesos
Rush iD - 20 to 40 pesos

Maghanda lamang ng budget para sa maintenance ng iyong printer. Dahil tiyak na kakailanganin mo ito lalo't kung maraming nag papa print sa iyo.

Tandaan, ang Piso Print ay maaaring masimulan mo sa maliit na puhunan pero napakalaki ng tsansa na mapalago mo basta't masipag ka at madiskarte sa iyong negosyo.

Sa susunod ay tatalakayin naman natin ang Tshirt Printing Business sa maliit na puhunan.

Comments

Popular posts from this blog

Pamahiin Tungkol Sa Kasal (WEDDING SUPERSTITION)

Punumpuno ng mga superstitious beliefs ang mga pinoy tungkol sa kasal (wedding). Kahit na moderno ang panahon ngayon, marami pa rin ang naniniwala sa mga pamahiin wala man itong lohikal na paliwanag o syentipikong eksplanasyon. Nandun pa rin kasi sa atin 'yung pag-uugali na wala namang masama kung maniniwala kaya kahit ipagpilitan pa ng iyong lolo na ito ay coincident lamang, hindi pa rin ito mawala-wala. Magkagayunpaman, hindi mahalaga ang mga ito. Ang mahalaga ay punumpuno ng pagmamahalaan ang mag-asawa, nagtitiwala at may commitment sa isa't-isa at ang kanilang paniniwala sa basbas ng Diyos na sila ay pinagsama upang maging maligaya habambuhay. Anu't-anuman, narito ang ilang paniniwala na sinusunod magpahanggang ngayon at mga hindi na dahil ang iba ay wala na sa hulog. Hindi dapat na isinusukat ng bride ang kanyang wedding dress bago ang kasal dahil baka hindi ito matuloy.  Ang kutsilyo o iba pang mga matutulis na bagay ay hindi dapat na ipinanreregalo sa ikakas...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Seafood Allergy- Tips Kung Anong Dapat Gawin

Ang seafood allergy ay nararanasan ng isang tao kapag ito ay nakakain ng ilang klase ng isda o shellfish at dahil dito ay nagkaroon ito ng reaction sa kanilang immune system at nagdulot ng ilang sintomas ng allergic reaction (rash,hives,pangangati,pamamaga,pagsusuka,diarrhea,pananakit ng tiyan,hirap sa paghinga,pagbaba ng presyon at mawawalan ng malay) at ang seafood daw ay isa sa Top 8 na food allergen kumpara sa soy at milk allergies. Seafood Allergy -Tips On What to Do? Marami sa atin ang nagkaka-allergy sa seafood (shrimp,talaba,lobster,scallops,clams,crabs,squid) subalit, mas marami ang sa shrimp (hipon) at sinasabi na 40% ay may fish allergy (salmon,tuna) at 60% naman ay seafood allergy na nagsisimula sa adulthood. Ang pagkakaroon ng allergic reaction sa ilang muscle protein (tropomycin) na nasa seafood ay posibleng magdulot ng  "anaphylactic shock" kung saan ay biglang  baba ng blood pressure, namamanhid ang dibdib hanggang leeg, namamaga ang lalamunan at dah...