Avocado- Mayroong walong dahilan kung bakit dapat kumain tayo ng prutas na ito. Ang pagkonsumo nito ay napakabuti sa ating kalusugan at maaari tayong makaiwas sa mga sakit:
- Prostate Cancer. Napatunayang ang avocado ay may kakayahang kumontra sa banta ng naturang sakit.
- Oral Cancer. Lumabas sa pananaliksik na ang naturang prutas ay nagtataglay ng compounds na may kakayahang magtaboy ng pre-cancerous cells ng hindi makapipinsala sa iba pang malusog na cells sa katawan.
- Breast Cancer. Ang avocado tulad ng olive oil ay mayaman sa oleic acid na napatunayang nakapagpapaiwas sa panganib ng breast cancer.
- Kalusugan ng mata. Ang avocado ay natataglay ng maraming carotenoid lutein na may kakayahang protektahan ang kalusugan ng mata mula sa banta ng macular degeneration at katarata.
- Pagbaba ng cholesterol. Ang avocado ay mayaman sa beta-sitosterol compound na tinatayang nakapagpapababa sa cholesterol level ng katawan mula sa regular na pagkonsumo.
- Kalusugan ng puso. Ang isang tasa ng avocado ay nagbibigay ng 23% ng rekomendadong daily value ng folate. Lumabas sa pag-aaral na ang mga taong ang diet ay mayaman sa folate ay may mababang banta ng sakit sa puso kesa sa mga taong hindi kumo konsumo nito. Ang naturang prutas ay mayaman sa Vitamin E, monounsaturated fats at glutathione na kapwa mahusay sa puso.
- Pag-iwas sa stroke. Ang avocado ay mayaman sa folate na mahusay ding nakapagpapaiwas sa banta ng stroke.
- Kailangang glutathione. Ang avocado ay mahusay na pagkunan ng glutathione na mahalagang antioxidant sa katawan ayon sa pananaliksik. source bulgar tabloid
Comments
Post a Comment