Ano ang masamang dulot ng madalang na pag- toothbrush? Bukod sa nakaka- bad breath, ang taong bihirang magsepilyo ay may tendensiya na magka cancer, ayon sa pagsasaliksik.
Karamihan sa mga kabataan ay mahilig kumain ngunit tamad magsepilyo. Kung minsan ay nagagawa pa nilang magkaila sa matatanda kapag umiral na ang katamaran dahil sasabihin nilang nagsepilyo na sila kahit hindi pa.
Ganito ba ang estilo ng iyong anak?
Kung "OO", kailangan mo siyang paalalahanan na mali ang kanyang ginagawa. Bukod sa mabubulok ang kanyang mga ngipin, maaari pa siyang magkaroon ng malubhang karamdaman.
Kapag pumalya ka sa pagsesepilyo, maaari kang magka-tartar. Sa pamamahay ng bacteria sa loob ng iyong bibig, maaari kang magka cancer. Kung ang mga bacteria ay mananatiling nakadikit sa ngipin at gilagid, may 80% na magkaroon ka ng cancer. Gusto mo bang maagang kaharapin ang kamatayan? Hindi mo naman siguro gusto na mapahamak ang iyong anak o sinumang mahal mo sa buhay?
Kung gayon, huwag kang maging pabaya sa iyong sarili. Lagi mong tatandaan na ang pagsesepilyo ay napaka-importante. Hindi lang para magkaroon ka ng mapuputing ngipin kundi para rin sa iyong kalusugan. Ipaunawa mo sa iyong anak o nakababatang kapatid na napakahalaga ng pagsesepilyo.
Sabi ng mga mananaliksik, ang impeksiyon at pamamaga ng iyong gilagid sanhi ng mga bacteria ay dahilan upang magkaroon ka ng gum disease. Bukod pa rito maaari kang magkaroon ng sakit sa puso.
Sana ay huwag mong hayaang mangyari ito sa iyo o kahit sino sa iyong pamilya. source: bulgar tabloid
Comments
Post a Comment