Ang Oregano na may scientific name na Coleus Aromaticus ay isang halamang gamot. Ito ay may matapang na amoy, mabango at malambot ang mga sanga. May pagkahugis puso ang hitsura nito na may haba na 2-3 pulgada. Bukod sa ginagamit ito bilang lunas sa mga karamdaman gaya ng ubo at sipon, ang Oregano ay sangkap din sa ilang mga lutuin bilang pampalasa.
Mga Benipisyo Ng Oregano:
- Nakapagbibigay ginhawa ito kung ikaw ay may ubo, sipon o lagnat.
- Mabuti rin itong lunas kung ikaw ay may sore throat.
- Lunas din ito kung ikaw ay may UTI
- Maigi rin ito kung ikaw ay may stomachache
- Nakakagamot rin ito ng mga pigsa
Tips Kung Paano Gamitin Ang Oregano:
- Ilaga ang sariwang dahon ng Oregano sa tatlong tasa ng tubig. Mga 10-15 minutos. Kung ikaw may ubo o sipon, maiging uminom ng isang tasa nito 3 beses sa isang araw.
- Kung malala ang iyong ubo. Gawing mas matapang ang paghahanda ng Oregano sa pamamagitan ng pagpiga sa dahon nito at inumin ang isang kutsaritang katas nito.
- Pagdikdik naman sa dahon ng Oregano ang mabisa kung ikaw naman ay may pigsa o sugat.
source: kalusugan dot ph
Comments
Post a Comment