Nauso ang mga katagang RSVP na kalakip sa kada imbitasyon na ibig sabihin sa wikang Pranses ito na respondez s'il vous plait, sa Ingles naman ay "please answer." At dahil marami ang busy sa kanilang mga gawain sa buhay at may natanggap na ganyang mga imbitasyon sa kasalan, heto ang ilang gabay para matulungan kang maka-reply ng maayos sa imbitasyon.
Tips in Responding to Wedding Invitation |
- Salain Ang Imbitasyon. Ang imbitasyon ang kumakatawan sa event at nagsisilbing pundasyon ng tema, dekorasyon, pagkain,at damit at kung anu-ano pa. Ang pormal na event ay nakalahad sa itim na tinta para maipakita ang pagkaseryoso at halaga ng okasyon. Unawain na marami na rin namang nakatatangap ang imbitasyon ang di nakapagbabalik ng SASE o self-addressed, stamped envelope and card. Karaniwang 10 percent ng imbitadong bisita ay hindi dumarating. Sa ngayon, ang modernong couple ay nag-eemail na lang kaysa sa tradisyunal na mailed invitations. Pero bihira pa rin iyan.
- Basahing mabuti ang nakasulat. Nakalahad ang detalye at paalala. Partikular na sa kasalan, kailangang alam ng couple ang bilang ng mga bisita para malaanan ng upuan at lugar, pagbili ng pagkainat matiyak ng bride ang rason kaya may deadline ang sagot ng bisita. Karaniwan ang imbitasyon ay may mga impormasyon:
Sino ang imbitado, klase ng event, sino ang ikakasal na couple, petsa at oras, lokasyon at mapa o instructions na kailangan.
Paraan ng pagtugon lalo na sa deadline tulad ng return mail, tawag sa telepono o email o partikular na petsa.
Comments
Post a Comment