Dahil sa tag-ulan na naman po at kaliwa't kanan ang baha, marami sa atin ang nagkakasakit, kasama na rito ang diarrhea o pagtatae lalo na sa mga bata. Ito ay ang pagdumi ng 3 beses o mahigit pa sa loob ng isang araw at ang dumi ay kapansin-pansin na matubig. Ito ay maaaring dahil sa 'di tamang pagsunod sa kalinisan, impektadong pagkain at pag-inom ng maruming tubig. Dahil sa rami ng bilang ng pagdumi at halos tubig ang dumi, maaari itong mauwi sa pagkatuyo o pagkawala ng maraming likido sa katawan.
Tips on How to Prevent Diarrhea |
Ang pasyente ay nangangalumata, panunuyo ng bibig, labis na pagkauhaw, paglubog ng bumbunan ng sanggol, lagnat, malimit na pagsusuka, walng luha sa pag-iyak ng bata, biglang pagbaba ng timbang, mabagal na pagbalik ng balat sa normal kapag pinisil, mabilis at mahinang pulso, kakaunti ang ihi o kaya ay hindi umiihi.
Paano maiiwasan ang dehydration o pagkatuyo?
Sa unang palatandaan pa lamang ng diarrhea, bigyan agad ang bata ng oresol o pedialyte pagkatapos ng bawat pagdumi. Kung wala namang oresol, maaaring gumawa ng sariling pamalit-tubig: paghaluin ang isang kutsaritang asin sa isang baso pinakuluang tubig at bigyan ang bata ng kalahating baso ng solusyong ginawa at sa mas nakatatandang bata, isang baso ang ibigay at huwag ng gagamitin ang solusyong hindi nagamit sa loob ng 24 na oras. Ang mga sumusunod ay maaari ring gamitin bilang pamalit-tubig para maiwasan ang pagkatuyo:
- Malabnaw na lugaw
- Am
- Gatas ng ina
- Malabnaw na gatas
- Sabaw
- Fruit Juice
Paano maiiwasan ang pagtatae?
Maiiwasan ang diarrhea kung susundin ang mga ito:
- Panatilihing malinis ang tubig-inumin at pagkain.
- Maghugas ng kamay bago kumain at pagkatapos gumamit ng palikuran.
- Panatilihing malinis ang palikuran.
- Pasusuhin ng gatas lamang ng ina ang sanggol mula pagkapanganak hanggang sa ikaanim na buwan para malakas ang resistensya ng bata at ipagpatuloy ang pagpapasuso sa sangol kahit na ito ay nagtatae.
Narito ang puwedeng kainin ng isang nagtataeng bata o matanda:
- saging na latundan at mansanas
- mga cracker (soda crackers)
- manok na walang balat
- tinapay na tostado
- nilagang carrot at patatas
Iwasan ang mga pagkaing matataba, inuming nagtataglay ng caffeine, iwasan din ang butter, cake at iba pang dairy products at mahalagang maghugas ng kamay. source: Sabi ni Doc ni Shane M. Ludovice MD
Comments
Post a Comment