May ilang gawaing hindi gaanong nangangailangan ng pisikal na lakas ang makatutulong sa'yo para maging matalino. Sa pag-aaral na isinagawa ng mga siyentista, ang pagsasagawa ng Tai Chi ay may kakayahang palakihin din ang sukat ng iyong utak upang ma-improve ang iyong memorya at pag-iisip na tulad ng benepisyong iyong makukuha sa aerobic exercise. Posible rin itong gawing pangontra sa pagiging ulyanin.
taichi benefits |
Nagsagawa ng eight month controlled trial ang mga mananaliksik sa matatandang Chinese upang makita ang epekto ng Tai-Chi sa kanilang katawan at maikumpara ito sa mga hindi nag-eensayo nito. Maliban dun, mayroon ding diskusyon na ginaganap ng tatlong beses sa isang linggo upang malaman kung may improvement sa kanilang pag-iisip.Lumabas sa resulta na ang mga nagsasagawa ng Tai Chi ay aktibong nakikisali at nakikipagpalitan ng diskusyon na maihahalintulad sa epekto ng ehersisyo, habang lumiliit naman ang utak ng mga hindi nagpa-participate sa Tai Chi session. Ang research ay nagpapakita na ang ehersisyo tulad ng Tai Chi na may halong importanteng health exercise component ay makatutulong sa isang indibidwal lalo na sa may edad na makalilimutin upang mapaglabanan ang sakit na ito at kasabay nito ang pagiging malusog sa loob at labas. Ikaw? gusto mo ba itong subukan. source: Bulgar writer: Kenneth Joy Carino
Comments
Post a Comment