Skip to main content

Wedding Gown: Tips Kung Paano Pumili



Ang pagbili ng wedding gown ay napakatagal na proseso. Sa karaniwan, ang bride ay maaaring sumubok ng 16 o 17 gowns bago mahanap ang perpektong gown. Simulan ang proseso ng at least pitong buwan bago ang kasalan lalo na't mayroon ka nang natitipuhang damit.
Tips in Choosing A Wedding Gown

  1. Maggupit ng larawan mula sa bridal at fashion magazines, mamili online at tumingin sa lumang family photo para ganap mong malaman ang gusto mong estilo ng bridal gown.
  2. Magtanong sa mga kaibigan at pamilya ng references o kakilalang mananahi at designers kung mayroon ka nang natitipuhang estilo o disenyo ng wedding gown.
  3. Magdala ng sapatos na may parehong size ng heel na isusuot sa kasalan.
  4. Tingnang mabuti ang lahat ng gowns na babagay sa trunk shoes. Dito ka makatitipid sa pagpili ng wedding gown. 
  5. Subukan ang iba't ibang uri ng gown.
  6. Pag-usapan ang estilo at magiging ayos ng iyong buhok oras na magkaroon ka ng sariling damit.
  7. Magbigay ng hanggang 6 na buwan na panahon para matahi ang gown kung nais ipatahi at ipadisenyo na ayon sa iyong panlasa.
  8. Maging handa na magbayad ng hanggang 6 na buwan na panahon para matahi ang gown kung nais ipatahi at ipadisenyo na ayon sa iyong panlasa. 
  9. Maging handa na magbayad ng hanggang 50 percent ng halaga ng damit bilang deposito.
  10. Magdala ng sampol ng tela para maiterno sa sapatos, veil at iba pang aksesorya.
  11. Iwasan ang pagdadala ng maraming kaibigan sa pamimili.Tiyak na pagtatalunan lang nila ang damit na pipiliin at siguradong malilito ka at madidismaya.
  12. Ang muling pagbabago ng disenyo ng gown ay karaniwang may dagdag na kabayaran.
  13. Kung yari na ang wedding dress, magbigay na ng petsa sa salon, dalawang linggo bago ang aktuwal na kasalan. Ito ay para matiyak na ang damit ay handang handa na sa mahabang panahon
  14. Kapag hiningi ang deposito mo sa damit, magtanong hinggil sa deposit refunds sakaling pumalpak man ang paggawa. source: Bulgar

Bookmark and Share


Comments

Popular posts from this blog

Pamahiin Tungkol Sa Kasal (WEDDING SUPERSTITION)

Punumpuno ng mga superstitious beliefs ang mga pinoy tungkol sa kasal (wedding). Kahit na moderno ang panahon ngayon, marami pa rin ang naniniwala sa mga pamahiin wala man itong lohikal na paliwanag o syentipikong eksplanasyon. Nandun pa rin kasi sa atin 'yung pag-uugali na wala namang masama kung maniniwala kaya kahit ipagpilitan pa ng iyong lolo na ito ay coincident lamang, hindi pa rin ito mawala-wala. Magkagayunpaman, hindi mahalaga ang mga ito. Ang mahalaga ay punumpuno ng pagmamahalaan ang mag-asawa, nagtitiwala at may commitment sa isa't-isa at ang kanilang paniniwala sa basbas ng Diyos na sila ay pinagsama upang maging maligaya habambuhay. Anu't-anuman, narito ang ilang paniniwala na sinusunod magpahanggang ngayon at mga hindi na dahil ang iba ay wala na sa hulog. Hindi dapat na isinusukat ng bride ang kanyang wedding dress bago ang kasal dahil baka hindi ito matuloy.  Ang kutsilyo o iba pang mga matutulis na bagay ay hindi dapat na ipinanreregalo sa ikakas...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Tips Kung Paano Gamitin Ang Oregano Bilang Gamot

Ang Oregano na may scientific name na Coleus Aromaticus ay isang halamang gamot. Ito ay may matapang na amoy, mabango at malambot ang mga sanga. May pagkahugis puso ang hitsura nito na may haba na 2-3 pulgada. Bukod sa ginagamit ito bilang lunas sa mga karamdaman gaya ng ubo at sipon, ang Oregano ay sangkap din sa ilang mga lutuin bilang pampalasa. Mga Benipisyo Ng Oregano: Nakapagbibigay ginhawa ito kung ikaw ay may ubo, sipon o lagnat. Mabuti rin itong lunas kung ikaw ay may sore throat. Lunas din ito kung ikaw ay may UTI  Maigi rin ito kung ikaw ay may stomachache Nakakagamot rin ito ng mga pigsa  Tips Kung Paano Gamitin Ang Oregano: Ilaga ang sariwang dahon ng Oregano sa tatlong tasa ng tubig. Mga 10-15 minutos. Kung ikaw may ubo o sipon, maiging uminom ng isang tasa nito 3 beses sa isang araw.  Kung malala ang iyong ubo. Gawing mas matapang ang paghahanda ng Oregano sa pamamagitan ng pagpiga sa dahon nito at inumin ang isang kutsaritang k...