Ang kaso ng breast cancer ay karaniwang dahil ito ay namana sa kaanak, ngunit maaari rin itong makuha sa uri ng pamumuhay ng isang babae at may kinalaman na rin sa kanyang mga kinakain. Gayunman, ilan sa mga pagkaing mahusay na maging sandata laban sa naturang kondisyon ay kinabibilangan ng mga sumusunod:
Healthy Foods That Can Prevent Breast Cancer |
- Blueberries. Ayon sa pag-aaral, ang phytochemicals na matatagpuan sa blueberries ay mahusay na sandata laban sa banta ng breast cancer.
- Kamatis. Ang kamatis ay mayaman sa lycopene na napatunayang nakapagpapababa ng banta sa breast cancer.
- Avocado. Ang prutas na ito ay mataas sa oleic acid na lumalabas sa pag-aaral na mahusay na nakapagpapaiwas sa naturang sakit.
- Red Wine. Ang tamang dami ng konsumo ng red wine ay pinaniniwalaang nakapagpapababa ng banta ng breast cancer. Gayunman ang sobrang pag-inom nito ay nagbubunsod naman ng iba pang sakit.
- Green Tea. Lumabas sa pag-aaral na ang pagkonsumo ng green tea ay nakapagpapababa ng banta ng pag develop ng breast cancer at ang tuluyang maiwasan ang paglala nito sa mga meron na. Ito ay dahil sa compound na tinatawag na EGCG.
- Bawang. Ang bawang ay diumano'y may kakayahang iwasan ang breast cancer cells. Gayunman, tinatayang mas mabisa ang bawang kapag hilaw o hindi gaanong niluluto.
- Broccoli. Ang masustansiyang gulay na ito ay nagtataglay ng indole 3-carbinol, chemical na lumalaban sa breast cancer sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mas maraming cancer protective type ng estrogen.
- Cauliflower. Tulad ng brocolli, ang cauliflower ay mayaman ding pagkunan ng indole-3- carbinol.
- Spinach. Lumabas sa pag-aaral na ang mga babaeng kumokonsumo ng spinach dalawang beses o higit pa sa isang linggo ay mas malayo sa banta ng naturang sakit kesa sa mga babaeng hindi kumakain nito.
- Suba. Lumabas sa pag-aaral na ang regular na pagkonsumo ng suha ay nakapagpapaiwas sa breast cancer cells sa pagdagsa nito.
- Cherries. Lumabas sa pag-aaral na ang masarap na prutas ay nagtataglay ng compound na nakapagpapataboy ng breast cancer.source:bulgar
Comments
Post a Comment