Maulan na naman sa Pilipinas. Sumapit na kasi ang June at asahan pang hangang November ay makakaranas tayo ng mga pag-ulan. Kaya naman ang mga katoto natin ay umiisip na ng mga paraan para pagkakitaan ang rainy season. Ano-anu nga ba ang mga patok na negosyo ngayong tag-ulan na sa Pilipinas:
business tips on rainy season |
Ito ang ilan sa mga libangan ng Pinoy na pwede mong maging patok na negosyo:
- DVD Rentals. Maaari kang magpa-renta ng original DVDs mo sa iyong mga kapitbahay. Mas magiging madalas kasi ang pagmo-movie marathon ng pamilya sa panahon ng tag-ulan.
- Board Games Rentals. Maaari mo ring ipa-renta ang iyong board games sa bahay. Uso pa rin ang mga ito kahit pa high-tech na ang panahon ngayon.
- Snack and Food Delivery. Imbes na papuntahin mo sa iyong sari-sari store o carinderia ang iyong mga suki. Bakit hindi ka mag-offer ng food delivery? Magdagdag lamang ng maliit na delivery charge para wala kang lugi.
Napag-usapan na rin lang ang mga pagkain. Ito naman ang ilan sa mga pagkain o lutuin na patok na negosyo ngayong rainy season.
- Mainit na champorado o lugaw
- Banana-que o camote-que
- Sopas
- Instant cofee/ coffee vendo business
- Hot chocolate
Sa panahon ng tag-ulan ay mahalaga para sa mga Pinoy ang komunikasyon. Kaya naman patok na negosyo ang e-loading business.
Huwag din syempre nating kalimutan ang kalusugan. Kaya ang pagbebenta ng rainy coats, bota, payong at iba pang pang-sanga sa ulan ay sobrang patok na negosyo para sa mga Pinoy.
O hayan ang ilan lamang sa mga pwede mong pagkakitaan ngayong tag-ulan. Kung nagustuhan mo ito. I share mo sa iyong mga kaibigan.
Comments
Post a Comment