Skip to main content

Debt Problem: Tips Para Di Mabaon Sa Utang



Debt Problem- Marami ang nagsasabing lalong nagiging mahirap ang buhay habang dumaraan ang panahon.Pero siyempre, marami ring magandang pagbabago ang nagaganap sa paligid natin. Pero nagbubulag-bulagan ang ilan sa atin sa mga ito. Puro na lang problema ang nakikita nila sa ating bansa at sa daigdig.
Tips on How to Avoid Debt Problem
Kahit noon pa man, nariyan na ang pesimismo sa mundo. Nagsimula ito sa ahas na siya mismong demonyo ng Hardin ng Eden. Nilinlang ng ahas si Eve na hindi sila magiging masaya kung hindi nila kakainin ang ipinagbabawal na prutas. Sa madaling sabi, nakumbinse sila ng ahas na magsaya habang pwede pa at ito ang simula ng totoong kalungkutan.

Ngayon, napakaraming problema sa pulitika na hindi naayos. Naglipana rin ang panlilinlang sa kalakalan ng mga bangko at pagpapautang. Parang hinihila pababa ng mga pulitiko ang ating bansa at ang mundo. Posibleng mawalan ng halaga ang ating pera sa hinaharap. Posibleng maglaho ang savings natin kung biglang magsara ang isang babgko. Posible ring mawala ang investment na nakalaan sa pag-aaral ng mga anak natin dahil sa isang stock market crash o dahil sa biglang pagbabago ng patakaran ng gobyerno. Kung ganito lang din naman...bakit pa tayo mag-aabala na mag-ipon at maghanda para sa kinabukasan? Mabuhay sa kasalukuyan. Pagkagastusan alinman ang gusto natin. Ipagsawalambahala natin ang kinabukasan.

Mali ang ganung pag-iisip! Ganun tumatakbo ang utak ng taong iresponsable. Kapag natutunan niya ang tama, saka niya malalaman na pagbabayaran niya lahat ng maling kagawian niya. Hindi maganda ang record niya sa bangko at credit card. Hindi naaprubahan ang car loan niya, home loan, at kahit anong uri ng loan. Magdurusa ang kanyang kawawang pamilya at mapipilitan ang kanyang pamilya na doblehin ang kayod para kumita ng mas malaki.

Sa totoo lang, may ibang paraan. May nabasa ako tungkol sa isang tao na nagpasyang "bitiwan ang pera". Nabubuhay siya sa pamamagitan ng mga tira-tira ng ibang tao. Namumulot siya ng mga bagay na puwede pa niyang pakinabangan. Nabubuhay siya para lang ipakita na puwede namang mabuhay kahit walang anong materyal na bagay. Sa madaling salita, isa siyang pulubi.

Kung ayaw natin maging pulubi, kailangan nating tignan ang ating bansa at ang buong mundo bilang isang kalahating baso na malapit nang mapuno at hindi isang baso na kalahati na lang mauubos na. Parehong kalahati lang ang laman ng baso, pero nagkakaiba lang ng pananaw kung mapupuno ba ito o mauubos na. Ang totoo, napakaraming oportunidad na ito. Kapag optimistiko tayo, hahanap tayo ng paraan para paunlarin ang ating buhay. At habang pinauunlad natin ang ating buhay, nakakatulong tayo sa ating maliit na paraan para lalong mapaunlad ang ating bansa.

Kung napagpasyahan mong maniwala na uunlad ang buhay, siguruhin na hindi ka magkakaroon ng malaki at walang silbing utang. Sundin din ang prinsipyo ng pag-iipon at pagpapalago ng iyong yaman.
Ang artikulo na ito ay pagaari n Francisco J. Colayco 
source: Bulgar "Easy Money" Column



Bookmark and Share







Comments

Popular posts from this blog

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii

Pamahiin Tungkol Sa Kasal (WEDDING SUPERSTITION)

Punumpuno ng mga superstitious beliefs ang mga pinoy tungkol sa kasal (wedding). Kahit na moderno ang panahon ngayon, marami pa rin ang naniniwala sa mga pamahiin wala man itong lohikal na paliwanag o syentipikong eksplanasyon. Nandun pa rin kasi sa atin 'yung pag-uugali na wala namang masama kung maniniwala kaya kahit ipagpilitan pa ng iyong lolo na ito ay coincident lamang, hindi pa rin ito mawala-wala. Magkagayunpaman, hindi mahalaga ang mga ito. Ang mahalaga ay punumpuno ng pagmamahalaan ang mag-asawa, nagtitiwala at may commitment sa isa't-isa at ang kanilang paniniwala sa basbas ng Diyos na sila ay pinagsama upang maging maligaya habambuhay. Anu't-anuman, narito ang ilang paniniwala na sinusunod magpahanggang ngayon at mga hindi na dahil ang iba ay wala na sa hulog. Hindi dapat na isinusukat ng bride ang kanyang wedding dress bago ang kasal dahil baka hindi ito matuloy.  Ang kutsilyo o iba pang mga matutulis na bagay ay hindi dapat na ipinanreregalo sa ikakas

Seafood Allergy- Tips Kung Anong Dapat Gawin

Ang seafood allergy ay nararanasan ng isang tao kapag ito ay nakakain ng ilang klase ng isda o shellfish at dahil dito ay nagkaroon ito ng reaction sa kanilang immune system at nagdulot ng ilang sintomas ng allergic reaction (rash,hives,pangangati,pamamaga,pagsusuka,diarrhea,pananakit ng tiyan,hirap sa paghinga,pagbaba ng presyon at mawawalan ng malay) at ang seafood daw ay isa sa Top 8 na food allergen kumpara sa soy at milk allergies. Seafood Allergy -Tips On What to Do? Marami sa atin ang nagkaka-allergy sa seafood (shrimp,talaba,lobster,scallops,clams,crabs,squid) subalit, mas marami ang sa shrimp (hipon) at sinasabi na 40% ay may fish allergy (salmon,tuna) at 60% naman ay seafood allergy na nagsisimula sa adulthood. Ang pagkakaroon ng allergic reaction sa ilang muscle protein (tropomycin) na nasa seafood ay posibleng magdulot ng  "anaphylactic shock" kung saan ay biglang  baba ng blood pressure, namamanhid ang dibdib hanggang leeg, namamaga ang lalamunan at dah