Maraming bagay sa mundo ang hindi kayang iwasan ng tao lalo na ng mga kababaihan tulad na lang ng panganganak o pagkakaroon ng buwanang dalaw.
Kahit na magpakalalaki pa sila ay tuloy tuloy pa rin nilang mararanasan ito. Isa pang pangyayari na nagaganap sa mga kababaihan lalo na sa mga nagkaka-edad na ay ang pagme-menopause nila. Subalit, lumalabas ngayon sa pag-aaral ng mga eksperto na maaari nang matigil ang menopausal stage sa mga kababaihan.
Ayon sa ginawang pag-aaral, ang mga kababaihan ay magagawa nang mapigil ang pagkakaroon ng menopause nang sa ganun ay maaari pa silang magka-anak kahit hindi na sila ganun kabata. Ito ay sa pamamagitan ng mas maayos na medical treatment na ginagamit sa mga may edad ng pasyente.
Ayon sa scientist at writer na si Aarathi Prasad, ipinaliwanag niya na walang ibang hayop na naninirahan sa mundo ang humihinto sa pagbibigay ng supling kaya naisip nilang pag-aralan ang paraan upang ang mga tao ( highest form of animal) ay mapigil din ang kanilang pagme-menopause na nagiging dahilan ng pagiging infertile nila o kawalan nang kakayahang makapagbigay ng anak.
Base sa ginawa nilang pag-aaral, ang mga kababaihang nasa edad 50 o higit pa ay maaari pang magkaroon ng anak. Lumalabas kasi sa pananaliksik ng mga eksperto na maaaring matalo ng mga babae ang pagme-menopause nila o maka-develop ang mga gene therapy nang maaaring gamot upang mapatigil ito nang tuluyan.
Dagdag pa ng scientist na si Dr. Prasad, ang proseso ng pagme-menopause ay isang abnormalidad dahil walang nakukuhang benepisyo ang mga kababaihan mula rito kaya hindi dapat pagdaaanan ito ng mga kababaihan. At base rin sa ginawang obserbasyon ng mga eksperto, nagiging mas conscious ang mga kababaihan sa kanilang kalusugan sa ngayon kaya mas mapadadali na nila ang paglaban sa menopause at magawa pang magkaanak.
Isa na naman itong patunay na sa panahon ngayon ay wala ng imposible basta manalig at desidido ang mga tao sa kanilang kagustuhan. source: Bulgar Tabloid kolum ni Sarah Lavapie
Comments
Post a Comment