Madalas ka bang magkaroon ng sipon na nagdudulot ng pagkabarado ng iyong ilong? Kung ito ang iyong nararanasan ay baka hindi lang isang allergy ito.
Maaaring ikaw ay mayroong Nasal Septal Deviation ( paling ang cartilage na nagsisilbing partisyon ng butas ng iyong ilong). Ang mga taong mayroon nito ay madalas na sinisipon dahil sa allergy. Dahil dito, ang turbinates natin sa kaloob-looban ng ilong ay namamaga o lumalaki.
Ang turbinates ay 'yung parang laman na mapula na nasisilip natin sa loob ng ilong. Kapag naging " moderate to severe" na ang pagbabarang dulot nito, makabubuting maoperahan na para maisaayos ito.
Kung talagang nahihirapan ka na, ipakita ito sa isang ENT o sa isang head and neck surgeon. Pansamantala, pwede kang uminom ng mga tabletang decongestant at anti-allergy o nasal drops para lumuwag ang iyong paghinga.
Mula sa pahayagang Bulgar; Sabi Ni Doc- Shane Ludovide M.D
Comments
Post a Comment