Ang nutrisyong kinakailangan ng isang tao ay nakadepende sa kanyang edad kung saan ang ilang ispesipikong pagkain ay nararapat konsumuhin para mas mapaigting pa ang pisikal at mental na kalusugan ng isang indibidwal na ilan sa halimbawa ay kinabibilangan ng mga sumusunod:
Salmon
Para sa edad 20 hanggang 29. Ayon sa mga eksperto, ang regular na pagkonsumo ng salmon ay mainam sa mga taong nasa edad 20 hanggang 29 kung saan nakakapagpaiwas sa banta ng depresyon, na kondisyong dalawang beses na malapit sa mga babae kesa sa mga lalaki. Ang depresyon ay maaaring ma-develop sa gulang na 15 hanggang 34. Ang salmon ay mayaman sa Omega 3 fatty acids na mainam sa pagpapaganda ng mood mula sa pagpapataas ng level ng tinatawag na feel good serotonin. Sa ganitong edad nararanasan ang mas madalas na pagka-busy at hindi pagkasingit ng pagluluto kung saan huwag kalimutan ang naturang pagkain isang beses sa isang linggo. Mainam din itong ihalo sa salad o low fat mayo para sa mas masarap na sandwich.
Egg and Spinach
Para sa edad 30 hanggang 39. Kapag nagbi-breastfeed, buntis o nagpaplanong magka-anak, mainam na dalasan ang pagkonsumo ng tinatawag na spinach omelet. Ang egg yolks at spinach ay kapwa nagtataglay ng choline, nutrisyon na nakatutulong para sa development ng utak ng isang tao. Ang spinach ay nagtataglay ng folate na nakatutulong upang makaiwas sa banta ng birth defects.
Karne ng Baka at Brocolli
Para sa edad 40 hanggang 49. Ang lean beef ay mayaman sa iron, nutrisyon na nakatutulong upang magkaroon ng red blood cells, makapagsupply ng oxygen sa katawan at mapanatiling mataas ang energy level. Mainam din sa ganitong edad ang pagkonsumo ng hipon, buto ng kalabasa at whole grain cereals. Makatutulong din ang regular na pagkonsumo ng brocolli na tinatayang nakababawas ng banta ng breast cancer na may mataas na panganib sa ganitong edad.
Mula sa pahayagang Bulgar; No Problem ni Ms. Myra
Comments
Post a Comment