Ang virus na Hepatitis B ang siyang pangunahing dahilan kung bakit nagkakaroon ng kanser sa atay at may posibilidad na magkakanser ang mga taong carrier ng Hepatitis B. Maaari ring sisihin ang labis na pag-inom ng alak, pagkain ng mani na mayaman sa aflatoxin at iba pang kemikal na nakaka-activate ng kanser.
Pangalawa ang kanser sa atay sa pinakakaraniwang kanser sa kalalakihan na mas dumarami ang kaso nito kapag nasa edad 40 pataas.
Narito ang ilang senyales na dapat bigyang pansin:
- Pananakit ng tiyan
- Pagbaba ng timbang
- Pagkawala ng gana sa pagkain
- Panghihina
- Bukol sa Tiyan o malaking atay
Kapag na-detect ng maaga ang kanser sa atay, pwedeng gawin ang operasyon pero sa higit na nakararaming kaso, ang kanser sa atay ay kadalasang nasa advanced stage na kapag natuklasan.
Para makaiwas sa posibilidad na pagkakaroon ng kanser sa atay, kailangan na magpabakuna laban sa HEPATITIS B at kailangan ng 3 vaccines para maging epektibo itong panlaban sa mikrobyong ito. Kumonsulta sa Doktor tungkol sa Hepatitis B vaccine. source Bulgar credits to Sabi ni Doc Shane Ludovice and Youtube
Comments
Post a Comment