Base sa pinakabagong pag-aaral na ang mga buntis na exposed sa mataas na level ng polusyon sa hangin ay mas lamang na magkaroon ng anak na may sakit na autism.Pinag-aralang mabuti ng mga researcher ang kondisyon ng mga buntis na naninirahan sa most polluted area at napatunayang 2 beses na malinaw ang pagkakaroon nila ng anak na positibo sa ASD o autism spectrum disorder kumpara sa mga lugar na hindi gaanong polluted ang hangin.
Kaugnay ng pollution, ang air pollutants sa resulta ng autism ay dahil sa mga diesel fuel, lead at mercury na mas nakalalamang ang autism cases sa mga batang lalake kaysa sa babae.
Hindi malinaw kung bakit ang mga heavy metal at iba pang kemikal na active sa air pollution ay nakakaapekto sa fetus ngunit sinasabi na mula ito sa traffic-related pollutants tulad ng diesel na siyang nag-i-induce ng inflammation sa utak ng tao at hayop. Bahagi rin ng pag-aaral ang pagpoproseso sa sukat ng metal at iba pang pollutant mula sa blood sample ng mga buntis at kanilang new born baby na nagpo-provide ng mas matibay na ebidensya sa pagtaas ng autism cases. Sa pag-aaral sa mahigit 325 babae na na-diagnosed, ang mga anak na may autism at 22,000 sa mga babae na walang autism ay natukoy na sanhi ng air pollution.
Galing din sa data na base sa US Environmental Protection Agency, ang estimated level ng pollutants sa oras ng pagsilang sa mga sanggol ay nalaman na ang mga nanay ay naninirahan sa may high level ng diesel o mercury na ang hangin ay dalawang beses na posibleng magkaroon ng ASD kumpara sa mga hindi naninirahan sa ganitong area ay mas may low level. Ilan sa air pollutants ay ang manganese at methylene chloride. Samantalang, dagdag pa sa nagpapataas ng ASD risk factor ay ang income ng mga magulang, edukasyon at bisyo ng paninigarilyo habang nagbubuntis. Dagdag pang paliwanag ay ang magkaibang resulta sa iba't ibang gender kung saan ang mga lalaki ang mas prone sa autism dahil ang toxic effect sa air pollutant ay may impact sa boys development na mas madaling ma-detect. source: Bulgar kolum ni Nic Gaoli
Comments
Post a Comment