Ang anemia ay isang karaniwang kondisyon at kadalasan ay hindi ito natutuklasan kung hindi pa grabe ang sintomas nito. Kapag sinabing anemic ang isang tao , ito ay maputla, madaling mapagod at madaling kapusin ng hininga.
Ang anemia ay dahil sa kakulangan ng RBC ( RED BLOOD CELL) sa dugo. Itong RBC ang tagapagdala ng oxygen mula sa baga papunta sa lahat ng bahagi ng katawan dahil sa loob nitong RBC ay may hemoglobin at dito nakasakay ang oxygen. Kaya kung anemic ang isang tao, ibig sabihin ay kakaunti lamang ang oxygen na nai-dedeliver sa mga tissue ng katawan.
Ito naman ang mga pangunahing sintomas ng ANEMIA
- Maaaring kulang ang bitamina (iron, vitamin B12 at folic acid) para sa pagbuo ng hemoglobin at RBC. Ito ay posibleng sa kakulangan ng mga nabanggit na bitamina sa ating diet o kaya naman ay nasa diet man natin ito subalit, walang kakayahang i-absorb pa ito dahil mataas din ang demand ng katawan para rito lalo na sa panahon ng pagbubuntis.
- Kapag nagdurugo ang isang tao, halimbawa nosebleeding at matinding menstratuation at posible rin na nagdurugo ang isang tao sa loob (occult blood loss) subalit hindi ito aware rito.
- Dahil sa Hemolytic Anemia- dito ay normal ang produksyon ng RBC sa bone marrow, pero ang RBC ay nasisira rin agad at hindi umaabot ng 120 araw sa sirkulasyon.
- Sakit sa bone marrow ( utak ng buto) na kung saan ang RBC ay ginagawa. Kung minsan po kasi sa halip na RBC ang naroon sa bone marrow, napapalitan ito ng cancer o leukemia cells. At posible rin na ang bone marrow ay na-damage ng gamot, kemikal o radiation.
Ang paggamutan po ng anemia ay depende sa sanhi nito at laging tandaan na ang anemia ay kadalasang sensyales ng iba pang sakit sa katawan. source: Bulgar - Sabi ni Doc Shane Ludovice
Comments
Post a Comment