Marami sa atin ang pinagsasawalang bahala ang simpleng pananakit ng ulo. Kung minsan, huli na para malaman natin na isa na pala itong sintomas ng brain cancer. Lalo na kapag umabot na sa pinakamalalang bahagi nito ay saka lang tayo maaalarma. Doon sa puntong mahirap ng lunasan ay saka palang tayo humahanap ng lunas.
Kaya bago mahuli ang lahat, maigi na maging alerto tayo sa ating nararamdaman. Ayon sa Mayo Clinic, ito ang ilan sa mga sintomas ng brain cancer o kanser sa utak. Tandaan na ang mga ito ay bumabatay sa laki, lokasyon at bilis ng paglaki:
- May pagbabago sa pattern ng pananakit ng ulo.
- Pananakit ng ulo na nagiging madalas at unti-unting lumalala
- Nakakaranas ng nausea at pagsusuka sa 'di malamang kadahilanan
- Problema sa paningin tulad ng panlalabo ng mata, double vision at kawalan ng peripheral vision
- Unti-unting pamamanhid ng kamay at paa
- Nawawalan ng balanse
- Nagkakaroon ng problema sa pagsasalita
- Pagbabago ng ikinikilos at personalidad
- Seizures, lalo na sa mga taong wala namang history nito
- Problema sa pandinig
Kung nararanasan mo ang mga sintomas na ito ay huwag ng mag-atubiling kumonsulta sa doktor bago pa mahuli ang lahat.
source: medicmagic.net
source: medicmagic.net
Comments
Post a Comment