Hindi lang ang mga Pinoy ang naniniwala sa pamahiin ng kasal. Syempre may iba't ibang paniniwala o pamahiing sinusunod ang mga dayuhan. Heto ang ilan:
- Ang paglalagay ng bride ng sugar cube sa kanyang gloves ay magdadala ng tamis sa kanilang relasyon, ayon sa Greek Culture.
- Sa England naman, pinaniniwalaan na kung makakakita ng gagamba ang bride sa kanyang pangkasal, siya ay suswertihin.
- Binubuhat ng groom ang kanyang bride pagpasok sa kanilang bahay para protektahan ito sa mga evil spirit.
- Pinag-aaralan ng mga ancient Roman ang bituka ng baboy para malaman kung kailan ang pinaka-maswerteng araw para maikasal.
- Para swertihin, ang mga babae sa Egypt ay kinukurot ang bride sa araw ng kanyang kasal.
- Ang mga bride mula sa Middle East ay naglalagay ng henna sa kanilang mga kamay para maprotektahan sila mula sa evil eye.
- Nagmi-milk bath ang mga Moroccan woman para maging dalisay sila bago ang seremonya sa kasal.
- Itinatanim sa labas ng bahay ng bagong kasal ang isang pine tree sa Holland bilang simbolo ng fertility at swerte.
- Sa simbolo ng lenggwahe ng mga alahas, ang sapphire sa wedding ring ay nangangahulugan ng marital happiness.
- Mapapanaginipan ng mga single na babae ang kanilang future husband kung sila ay matutulog na may isang slice ng cake ng groom sa ilalim ng kanyang unan.
source: Bulgar Tabloid kolum ni Denise Visto
Comments
Post a Comment