Skip to main content

Tips Para Sa NORMAL HEARTBEAT



Isang malaking benepisyo para sa mga taong nagdaranas ng heart disease ang mga pagkaing kayang mag-regulate ng heartbeat. Dahil kung minsan ang heart rate ay tumataas bago pa man ang heart attack. Maaari mo ring maranasan ang pagtaas ng pulso dahil sa stress. Isa pang dahilan ang high blood pressure na sanhi rin ng pagbilis ng heartbeat. Ayon sa BoldSky, ito ang ilan sa mga pagkain para mag-normalize ang heartbeat.

YOGURT

Dahil sa ito ay mayaman sa vitamin B 12 ay kaya nitong gawing  normal ang pintig ng puso. Ang mga pagkain kasi na mayaman sa vitamin B 12 ay kayang mag-develop ng nerve cells, na siyang nagpapatibay sa ating nervous system para lumaban sa stress.

SAGING

Mayaman naman sa potassium ang prutas na ito, na siyang importanteng electrolyte para sa ugnayan ng puso at utak. Dahil diyan kaya ng saging na mag-regulate ng ating heartbeat.

BAWANG

Isa sa mga pagkain na mabuti sa kalusugan ng ating puso. Mayroon itong allicin na siyang nagpapahinto ng mga free radical damage sa ating atay at nagpapabawas sa ating bad cholesterol.

NUTS

Mayaman naman ito sa monounsaturated fat at nagpoproteka sa ating puso mula sa mga biglang atake.

TOFU

Mayaman sa calcium at maiging pampakalma sa ating heartbeat. Mabuti rin ito sa ating puso dahil wala itong cholesterol.

ISDA

Mayaman naman sa omega-3 fatty acid ang mga matatabang isdang gaya ng salmon. Maigi ang omega-3 fatty acid dahil mayroon itong good cholesterol.

OATMEAL

Inaalis naman ng pagkaing ito ang mga mapaminsalang kolesterol sa ating arteries. Tulad ng isda, ito rin ay mayaman sa omega-3 fatty acids na siyang tumutulong para mapanatili ang normal heart rate.

Iyan ang Tips Para Sa Normal HeartBeat - kumain ng masusustansyang pagkain tulad ng mga nabanggit. Maigi ang mga pagkain na iyan para rin sa mga taong mayroon ng heart disease.
source: medicmagicdotnet

Comments

Popular posts from this blog

Pamahiin Tungkol Sa Kasal (WEDDING SUPERSTITION)

Punumpuno ng mga superstitious beliefs ang mga pinoy tungkol sa kasal (wedding). Kahit na moderno ang panahon ngayon, marami pa rin ang naniniwala sa mga pamahiin wala man itong lohikal na paliwanag o syentipikong eksplanasyon. Nandun pa rin kasi sa atin 'yung pag-uugali na wala namang masama kung maniniwala kaya kahit ipagpilitan pa ng iyong lolo na ito ay coincident lamang, hindi pa rin ito mawala-wala. Magkagayunpaman, hindi mahalaga ang mga ito. Ang mahalaga ay punumpuno ng pagmamahalaan ang mag-asawa, nagtitiwala at may commitment sa isa't-isa at ang kanilang paniniwala sa basbas ng Diyos na sila ay pinagsama upang maging maligaya habambuhay. Anu't-anuman, narito ang ilang paniniwala na sinusunod magpahanggang ngayon at mga hindi na dahil ang iba ay wala na sa hulog. Hindi dapat na isinusukat ng bride ang kanyang wedding dress bago ang kasal dahil baka hindi ito matuloy.  Ang kutsilyo o iba pang mga matutulis na bagay ay hindi dapat na ipinanreregalo sa ikakas...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Tips Kung Paano Gamitin Ang Oregano Bilang Gamot

Ang Oregano na may scientific name na Coleus Aromaticus ay isang halamang gamot. Ito ay may matapang na amoy, mabango at malambot ang mga sanga. May pagkahugis puso ang hitsura nito na may haba na 2-3 pulgada. Bukod sa ginagamit ito bilang lunas sa mga karamdaman gaya ng ubo at sipon, ang Oregano ay sangkap din sa ilang mga lutuin bilang pampalasa. Mga Benipisyo Ng Oregano: Nakapagbibigay ginhawa ito kung ikaw ay may ubo, sipon o lagnat. Mabuti rin itong lunas kung ikaw ay may sore throat. Lunas din ito kung ikaw ay may UTI  Maigi rin ito kung ikaw ay may stomachache Nakakagamot rin ito ng mga pigsa  Tips Kung Paano Gamitin Ang Oregano: Ilaga ang sariwang dahon ng Oregano sa tatlong tasa ng tubig. Mga 10-15 minutos. Kung ikaw may ubo o sipon, maiging uminom ng isang tasa nito 3 beses sa isang araw.  Kung malala ang iyong ubo. Gawing mas matapang ang paghahanda ng Oregano sa pamamagitan ng pagpiga sa dahon nito at inumin ang isang kutsaritang k...