Mainam at malaking tulong sa mga nanay na magawang magpasuso sa kanilang mga anak dahil bukod sa makamemenos sa gastos sa pagbili ng mga baby formula ay subok nang makukuha ng mga ito ang sustansya na kanilang kailangan.
Nariyan ang malaking kaibahan o epekto ng natural na pagpapadede kaysa sa pagpapainom sa mga bata ng mga improved milk mula sa mga alagang hayop tulad ng baka. Bukod sa napakaraming nutrisyon at bitamina na makukuha sa gatas ng ina ay nakasisiguro tayong ligtas at malinis ito dahil sa produkto ito mismo sa katawan ng mga nanay.
Kumpara sa mga gatas na nangagaling sa mga hayop ay hindi natin alam kung anu-ano ang mga prosesong pinagdaanan at maging ang iba pang ingredients ang isinasama rito para magkaroon ng magandang epekto sa mabilis na paglaki ng sanggol. Kaya naman kahit moderno na ang panahon ay marami pa rin ang naniniwala sa kainaman ng gatas na direktang ibibigay ng nanay sa kanyang anak dahil alam nating produkto ito ng kung anong kinain at ininom niya habang buntis. Hindi raw matatapatan ng kahit ano mang mamahaling gatas o baby formula ang kayang ibigay ng ating nanay na naroon na ang lahat at subok na dahil sa rami na nating dumedede, lumaki at naging malusog dahil sa tulong nito.
Galing sa iba't ibang pag-aaral ay napatunayan na ang breastfeeding o pagpapasuso ng ina ay mas nakatutulong para makaiwas at mapababa ang bilang ng mga babae na mayroong breast cancer. Makikita na pareho na ang infant at ang mga nanay ay nakatatanggap ng benepisyo sa proseso ng breast feeding kaya dapat lang itong irekomenda. Tinataya na kung ipagpapatuloy ng mga nanay ang pagbe-breastfeed sa kanilang mga bagong silang na sanggol ay pwedeng magkaroon ng malaking kabawasan ng breast cancer cases.
Sa pagitan ng mga sakit ay mas mababa ng 45,000 ang bilang nito sa mga tao ngayong taon, 24,000 ang may hypertension at 14,000 ang ligtas sa heart attack sa mga nagbe-breastfeed na mga kababaihan. Ngunit sa kasalukuyan ay may 60 porsyento sa mga babae ang hindi nagco-commit sa pagpapasuso sa kanilang mga anak kahit sa sandaling panahon ng 3 buwan hanggang 6 na buwan. Kailangan pa ng malawak na kampanya para mahikayat at suportahan ang mga babae na mag breast feed ng mas matagal lalo na at sa tulong nito ay magagawa nating maiwasan ang sakit na kamatayan.
Bukod sa nakukuhang proteksyon ng mga sanggol laban sa sakit at mabilis na brain development ay magagawang maiprovide at makuha sa gatas, gayundin ang parehong benepisyo ang naibibigay para sa mga nanay. Bukod sa mas napapalapit at nagba-bonding ang dalawa habang isinasagawa ito ay nakatutulong din para makapag-save ng pera sa pambili ng mga baby formula. Napatunayan din na ang breastfeeding ay nakapagpapababa o may lower rate ng Type 2 diabetes, breast cancer, ovarian cancer at postpartum depression sa mga nanay.
Mula sa pahayagang bulgar Gulat Ka No ni Icee Reen Labareno
Comments
Post a Comment