Skip to main content

Tulong Ng BreastFeeding Sa Mga Nanay


Mainam at malaking tulong sa mga nanay na magawang magpasuso sa kanilang mga anak dahil bukod sa makamemenos sa gastos sa pagbili ng mga baby formula ay subok nang makukuha ng mga ito ang sustansya na kanilang kailangan. 


Nariyan ang malaking kaibahan o epekto ng natural na pagpapadede kaysa sa pagpapainom sa mga bata ng mga improved milk mula sa mga alagang hayop tulad ng baka. Bukod sa napakaraming nutrisyon at bitamina na makukuha sa gatas ng ina ay nakasisiguro tayong ligtas at malinis ito dahil sa produkto ito mismo sa katawan ng mga nanay. 

Kumpara sa mga gatas na nangagaling sa mga hayop ay hindi natin alam kung anu-ano ang mga prosesong pinagdaanan at maging ang iba pang ingredients ang isinasama rito para magkaroon ng magandang epekto sa mabilis na paglaki ng sanggol. Kaya naman kahit moderno na ang panahon ay marami pa rin ang naniniwala sa kainaman ng gatas na direktang ibibigay ng nanay sa kanyang anak dahil alam nating produkto ito ng kung anong kinain at ininom niya habang buntis. Hindi raw matatapatan ng kahit ano mang mamahaling gatas o baby formula ang kayang ibigay ng ating nanay na naroon na ang lahat at subok na dahil sa rami na nating dumedede, lumaki at naging malusog dahil sa tulong nito. 

Galing sa iba't ibang pag-aaral ay napatunayan na ang breastfeeding o pagpapasuso ng ina ay mas nakatutulong para makaiwas at mapababa ang bilang ng mga babae na mayroong breast cancer. Makikita na pareho na ang infant at ang mga nanay ay nakatatanggap ng benepisyo sa proseso ng breast feeding kaya dapat lang itong irekomenda. Tinataya na kung ipagpapatuloy ng mga nanay ang pagbe-breastfeed sa kanilang mga bagong silang na sanggol ay pwedeng  magkaroon ng malaking kabawasan ng breast cancer cases. 

Sa pagitan ng mga sakit ay mas mababa ng 45,000 ang bilang nito sa mga tao ngayong taon, 24,000 ang may hypertension at 14,000 ang ligtas sa heart attack sa mga nagbe-breastfeed na mga kababaihan. Ngunit sa kasalukuyan ay may 60 porsyento sa mga babae ang hindi nagco-commit sa pagpapasuso sa kanilang mga anak kahit sa sandaling panahon ng 3 buwan hanggang 6 na buwan. Kailangan pa ng malawak na kampanya para mahikayat at suportahan ang mga babae na mag breast feed ng mas matagal lalo na at sa tulong nito ay magagawa nating maiwasan ang sakit na kamatayan. 

Bukod sa nakukuhang proteksyon ng mga sanggol laban sa sakit at mabilis na brain development ay magagawang maiprovide at makuha sa gatas, gayundin ang parehong benepisyo ang naibibigay para sa mga nanay. Bukod sa mas napapalapit at nagba-bonding ang dalawa habang isinasagawa ito ay nakatutulong din para makapag-save ng pera sa pambili ng mga baby formula. Napatunayan din na ang breastfeeding ay nakapagpapababa o may lower rate ng Type 2 diabetes, breast cancer, ovarian cancer at postpartum depression sa mga nanay. 

Mula sa pahayagang bulgar Gulat Ka No ni Icee Reen Labareno

Comments

Popular posts from this blog

Pamahiin Tungkol Sa Kasal (WEDDING SUPERSTITION)

Punumpuno ng mga superstitious beliefs ang mga pinoy tungkol sa kasal (wedding). Kahit na moderno ang panahon ngayon, marami pa rin ang naniniwala sa mga pamahiin wala man itong lohikal na paliwanag o syentipikong eksplanasyon. Nandun pa rin kasi sa atin 'yung pag-uugali na wala namang masama kung maniniwala kaya kahit ipagpilitan pa ng iyong lolo na ito ay coincident lamang, hindi pa rin ito mawala-wala. Magkagayunpaman, hindi mahalaga ang mga ito. Ang mahalaga ay punumpuno ng pagmamahalaan ang mag-asawa, nagtitiwala at may commitment sa isa't-isa at ang kanilang paniniwala sa basbas ng Diyos na sila ay pinagsama upang maging maligaya habambuhay. Anu't-anuman, narito ang ilang paniniwala na sinusunod magpahanggang ngayon at mga hindi na dahil ang iba ay wala na sa hulog. Hindi dapat na isinusukat ng bride ang kanyang wedding dress bago ang kasal dahil baka hindi ito matuloy.  Ang kutsilyo o iba pang mga matutulis na bagay ay hindi dapat na ipinanreregalo sa ikakas...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Seafood Allergy- Tips Kung Anong Dapat Gawin

Ang seafood allergy ay nararanasan ng isang tao kapag ito ay nakakain ng ilang klase ng isda o shellfish at dahil dito ay nagkaroon ito ng reaction sa kanilang immune system at nagdulot ng ilang sintomas ng allergic reaction (rash,hives,pangangati,pamamaga,pagsusuka,diarrhea,pananakit ng tiyan,hirap sa paghinga,pagbaba ng presyon at mawawalan ng malay) at ang seafood daw ay isa sa Top 8 na food allergen kumpara sa soy at milk allergies. Seafood Allergy -Tips On What to Do? Marami sa atin ang nagkaka-allergy sa seafood (shrimp,talaba,lobster,scallops,clams,crabs,squid) subalit, mas marami ang sa shrimp (hipon) at sinasabi na 40% ay may fish allergy (salmon,tuna) at 60% naman ay seafood allergy na nagsisimula sa adulthood. Ang pagkakaroon ng allergic reaction sa ilang muscle protein (tropomycin) na nasa seafood ay posibleng magdulot ng  "anaphylactic shock" kung saan ay biglang  baba ng blood pressure, namamanhid ang dibdib hanggang leeg, namamaga ang lalamunan at dah...