Skip to main content

Children’s Protection: Tungkol Sa R.A no. 7610



Nakababahala ang dumaraming kaso ng hindi magagandang insidente na nararanasan ngayon ng mga menor de edad sa kamay ng mas nakatatanda. Ang mga nakatatanda na dapat sana’y gumabay at magbigay tulong sa mga kabataan upang maabot nila ang kanilang pangarap ang sila pang nagiging hadlang para masira ang kinabukasan ng mga batang ito. Alamin ang tungkol sa proteksyon ng bata laban sa mga ganitong klaseng pang-aabuso. Ito ang kaalaman tungkol sa karapatan ng bata laban sa mga mapang-abuso sa ilalim ng R.A no. 7610.
Ang insidente ng karahasan sa mga menor-de-edad, halimbawa ay ang pagpapakita ng ari ng matatandang lalaki sa batang paslit ay maituturing na isang paglabag sa Republic Act (R.A) No. 7610 o ang tinatawag na “Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.” Nakasaad sa Section 3 (b) ng article I ng nasabing batas ang mga gawain na maituturig na child abuse:
“Section 3. Definition of Terms. – x x x
(b) “Child abuse” refers to the maltreatment, whether habitual or not, of the child which includes any of the following:
(1) Psychological and physical abuse, neglect, cruelty, sexual abuse and emotional maltreatment:
(2) Any act by deeds or words which debases, degrades or demeans the intrinsic worth and dignity of a child as a human being;
(3) Unreasonable deprivation of his basic needs for survival, such as food and shelter; or
(4) Failure to immediately give medical treatment to an injured child resulting in serious impairment of his growth and development or his permanent incapability or death. X x x”
Sa ating halimbawa na pagpapakita ng ari ng isang matandang lalaki sa  menor de edad ay nagdulot ng matinding pagkabagabag sa kanya ay maaaring maituring na isang psychological abuse sa bata. Ang aksiyong kanyang nasaksihan ay maaaring nagpababa sa panloob na pagpapahalaga sa sarili at dignidad ng iyong anak bilang isang tao. Dahil dito, ay maaari mong kasuhan ang matandang lalaki na gumawa nito sa iyong anak ng paglabag sa Section 10 (a) ng article VI na nagsasaad na:
“Section 10. Other Acts of Neglect,Abuse,Cruelty or Exploitation and Other Conditions Prejudicial to the Child’s Development.—
(a)Any person who shall commit any other acts of child abuse, cruelty, or exploitation or to be responsible for other conditions prejudicial to the child’s development including those covered by Article 59 of Presidential Decree No. 603, as amended, but not covered by the Revised Penal Code, as amended, shall suffer the penalty of prison mayor in its minimum period. X x x”
Maaaring maparusahan ng pagkakakulong ang matandang lalaki sa loob ng 6 na ton at 1 araw hanggang 8 taon. Ang nasabing kaso ay maaaring isampa sa tanggapan ng piskalya sa lugar kung saan nangyari ang insidente
Source: Bulgar credits to: Magtanong Kay Atty Persida V. Rueda Acosta


Comments

Popular posts from this blog

Pamahiin Tungkol Sa Kasal (WEDDING SUPERSTITION)

Punumpuno ng mga superstitious beliefs ang mga pinoy tungkol sa kasal (wedding). Kahit na moderno ang panahon ngayon, marami pa rin ang naniniwala sa mga pamahiin wala man itong lohikal na paliwanag o syentipikong eksplanasyon. Nandun pa rin kasi sa atin 'yung pag-uugali na wala namang masama kung maniniwala kaya kahit ipagpilitan pa ng iyong lolo na ito ay coincident lamang, hindi pa rin ito mawala-wala. Magkagayunpaman, hindi mahalaga ang mga ito. Ang mahalaga ay punumpuno ng pagmamahalaan ang mag-asawa, nagtitiwala at may commitment sa isa't-isa at ang kanilang paniniwala sa basbas ng Diyos na sila ay pinagsama upang maging maligaya habambuhay. Anu't-anuman, narito ang ilang paniniwala na sinusunod magpahanggang ngayon at mga hindi na dahil ang iba ay wala na sa hulog. Hindi dapat na isinusukat ng bride ang kanyang wedding dress bago ang kasal dahil baka hindi ito matuloy.  Ang kutsilyo o iba pang mga matutulis na bagay ay hindi dapat na ipinanreregalo sa ikakas...

Tips Para Mawala Ang Sinok (HICCUP)

Hindi kaaya-aya sa pakiramdam ang sinukin (HICCUP) lalo’t nasa harap ka ng isang importanteng meeting o di kaya nama’y first time mong maka-date ang iyong nililigawan. Paano ba mawala ang sinok? Heto ang ilang tips para mawala ang ganitong pakiramdam. Pigilan mo ang iyong paghinga hangga’t sa makakaya mong gawin ito. Takpan mo ng iyong mga daliri ang iyong magkabilang tenga at malumanay na pisilin matapos ang ilang minuto. Yumuko sa baywang at uminom ng tubig habang nasa ganoong posisyon. Kumain ng luya. Sumipsip ng hiniwang kalamansi o lemon. Lumagok ng isang kutsaritang suka Mahigpit na takpan ng paper bag ang iyong bibig. Pagkatapos ay huminga at bumuga ng hangin sa loob ng paper bag. Lumunok ng isang kutsaritang asukal at pagkatapos ay uminom ng tubig. Magpuno ng tasa ng tsaa mga hanggang 2/3 ang pagkapuno. Sunod ay maglagay ng nakasaliwang kutsarita. (i.e ang hawakan sa tasa) at uminom ng normal. Magiging abala ka sa kutsara na huwag malaglag sa tasa habang ikaw ay umii...

Tips Kung Paano Gamitin Ang Oregano Bilang Gamot

Ang Oregano na may scientific name na Coleus Aromaticus ay isang halamang gamot. Ito ay may matapang na amoy, mabango at malambot ang mga sanga. May pagkahugis puso ang hitsura nito na may haba na 2-3 pulgada. Bukod sa ginagamit ito bilang lunas sa mga karamdaman gaya ng ubo at sipon, ang Oregano ay sangkap din sa ilang mga lutuin bilang pampalasa. Mga Benipisyo Ng Oregano: Nakapagbibigay ginhawa ito kung ikaw ay may ubo, sipon o lagnat. Mabuti rin itong lunas kung ikaw ay may sore throat. Lunas din ito kung ikaw ay may UTI  Maigi rin ito kung ikaw ay may stomachache Nakakagamot rin ito ng mga pigsa  Tips Kung Paano Gamitin Ang Oregano: Ilaga ang sariwang dahon ng Oregano sa tatlong tasa ng tubig. Mga 10-15 minutos. Kung ikaw may ubo o sipon, maiging uminom ng isang tasa nito 3 beses sa isang araw.  Kung malala ang iyong ubo. Gawing mas matapang ang paghahanda ng Oregano sa pamamagitan ng pagpiga sa dahon nito at inumin ang isang kutsaritang k...